Chapter 1

1.2K 38 6
                                    

Deanna

(2018)

"Oh tol, okay kana ba?"

"I'm not" mahinang tugon ko

Mag-iisang taong na rin na wala na talaga kami. Sinubukan kong habulin sya pero laging hindi na pwede,hindi na talaga pwede dahil narinig ko ang balita na umalis na sila sa tinutuluyan nila,hinanap ko sya pero wala eh.

Ilang araw ako nagkulong sa apartment ko,pero buti na lang nandito yung mga kaibigan ko.

"Alam mo tol, inum nalang natin yan!" Sabi ni Lucas

"Oo nga! Babae lang yan hayaan mo makakahanap ka rin" sabi naman ni Ponggay

Bigla naman sya siniko ni ate Bea

"Naku Deanna,wag kang maniwala dyan number one sa kagagaguhan yan!" Tawang sabi ni ate Bea

Sumimangot naman si Ponggay at tumawa lang kami ni Lucas

"Oh ayan! Tumawa kana rin!" Sigaw ni Lucas na sinabayan naman ng tawa ng dalawang hunghang.

Dahil kasama ko sila nakalimutan ko ang nangyari samin, kamusta na kaya sya?

Patuloy lang kami sa pagtawa ng biglang pumasok ang kasamahan namin.

"S-sir kailangan po kayo sa ****" hingal na sabi nya

Kami naman ay napatayo na

"Bakit? Anong nangyari?!" Tanong sa kanya ni Lucas na ngayon nagtataka narin

"Sa lumang simbahan, may mga armadong lalaki na,na hostage ang mga bata!" Sabi nya na natataranta pa

Agad kaming lumabas at sumakay sa sasakyan.

Mabilis kaming nakarating sa lugar na sinabi samin.

Naabutan namin sina ate Ly, at ang mga kasamahan naming police.

"Anong nangyari dito?" Tanong ko sa kanila

Nang makita nila ako ay agad silang nag-salute sa'kin

"Sa wakas nandito na rin kayo,may mga bata sa loob, at mga armadong lalaki na hindi namin kilala" sagot sa'kin ni ate Ly

"Pinatawag na po namin ang iba para mailigtas na po ang mga nasa loob" sabi ni Jean

Inabutan kami ng umaga sa pakikiusap sa mga armadong lalaki pero hindi sila nakinig samin, kaya ginawa na namin ang plano ni ate Bea, na iikutin ang likod ng simbahan para doon kami makapasok.

Nasa likod na kami ng simbahan ng makakita kami ng bukas na pintuan at walang alinlangang pumasok ang sa loob at laking gulat naming wala ang mga armadong lalaki at ang tanging naiwan ay ang mga bata at ang matandang lalaki.

Kaya pala ang tahimik nila! Aah!.

Inalis namin ang mga nakatali sa kanila.

Nang nasa gitna na kami ng daan palabas ay biglang huminto si Lucas.

Taka naman akong tumingin sa kanya.

"D-Deanna ah pwedeng pahawak tong isa,k-kasi naiwan ko ang b-baril ko sa loob ku-kunin ko lang" nauutal na sabi nya.

"Kahit kailan talaga Lucas! Burara ka!tch!" Inis na sabi ko

Kahit man ay nagtataka ay kinuha ko ang batang karga nya at umalis na kanyang harapan.

Nang malayo na kami ay kinuha agad sa'kin ang mga bata.

"Asan si Lucas?" Takang tanong sa'kin ni Bea

"Ayon! Kinuha nya ang baril nya na-

Naputol ang sasabihin ko ng biglang nag ring ang phone ko

Lucas~

Nagtaka naman ako pero sinagot ko parin iyon.

"Hoy! Asan kana!" Sagot ko sa tawag nya

"E l-loudspeaker mo nga!" Biglang sigaw nya sa'kin

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

Kaya ayon, nila-loudspeaker ko

Agad naman pumunta sa'kin si Ponggay,ate Ly,si Jean, at ate Bea.

Nang marinig nyang sinabi ko na loudspeaker nya ay agad syang nagsalita

"G-Guys, a-ahm I- I think I j-just stepped on a l-land m-mine" Tawang sabi nya

Kami naman ay halos mawalan ng hininga at hindi nakapagsalita sa narinig namin

"Guys, pakisabi sa mama ko Mahal ko sya ah, at sa asawa ko at pati narin sa magiging anak ko" umiiyak na sabi nya

"N-no! J-just stay on the line Lucas! Okay! J-just d-don't m-move okay?" Iyak na sabi ko sa kanya

Kaming lahat ay umiiyak na at kanya kanyang tawag sa phone na himihingi ng tulong.

"H-hey! Listen to me Deanna!,hindi ito basta ma d-defuse ,nararamdan kong malaking bomba to! So please listen to me! Mahal na Mahal ko kayo! Kayo na bahala sa mag-ina ko" umiiyak na sabi nya at pinatay ang tawag

"N-no! Lucas!" Sigaw ko sa tawag

Akmang babalik ako sa simbahan ng bigla na lang sumabog sa kinaroroonan ni Lucas

Lucas...
.
.
.
.
.

Nawala na sa'kin ang isang tao na iningatan ko tapos kinuha din sa'kin ang pinakamahalagang kaibigan ko.

Siguro parusa to sa'kin.

My Sunset GirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ