Chapter 21

770 43 4
                                    

Deanna

Bumalik ako patungo ng silid ko at wala nakuhang mga kasagutan, sapat na siguro ang mga nakita ko. Nasasaktan na rin ako at ayuko ng madagdagan pa iyon

"Oh? asan si Jema baby D?" Bungad sa'kin ni ate Jho

Napatingin ako sa kanya ta napagtantong nakatingin sila sa'kin at pati na rin Aries na naghihintay ng kasagutan ko

"Ah nasa kwarto ni Arkin, dalhin nyo daw si Aries" ngiting sabi ko sa kanila

Parang nakuha naman nila ako kaya kinarga ni ate Sydney si Aries

"Punta ka po sa room namin dada ah" sabi ni Aries

Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya at naiwan kami ni ate Bea sa loob.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin

Ngumiti ako sa kanya at pumunta ng kama tsaka umupo doon ng biglang bumukas ang pintuan sabay kaming napatingin ni ate Bea at pumasok ang taong hindi inaasahang makikita ko ngayon dito.

"Hey big sis!" Sigaw nya at sabay yakap sa'kin

Napatingin ako kay ate Bea na ngayon ay nakangiting nakatingin samin

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya matapos kumalas sa pagkayakap nya

"Mom called me I'm worried about you ate,so stop asking what I'm doing here" nakasimangot na sabi nya

"Silly" ngiting sabi ko at ginulo ang buhok nya

"Hey,you doing that again" saway na sabi nya at inayos ang magulo nyang buhok

"Justine?can I talk to you?" Biglang sabat ni ate Bea kaya napatingin kami sa kanya

Tumingin naman ako kay Justine na ngayon ay naghihintay ng sagot ko, ngumiti na lamang ako at tumango sa kanya,sabay silang lumabas ni ate Bea.

Kinuha ang phone ko at pumunta sa music files

Nobita- (Ikaw Lang)

At sa paglisan nang araw, akala'y 'di ka mahal
At ang nadarama'y hindi magtatagal
Malay ko bang hindi magpapagal
Iibigin kita kahit ga'no pa katagal

Sinasabayan ko ang kanta ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ulit ang mukha ni Jema.

Nagkatitigan kami na para bang walang gustong bumitaw samin,mga matang wala pang tulog, mga matang pagod.

Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig

Kahit na ganoon ang ganda nya parin.

"Ahhm Deanna, ah kasi tinatawag ka ni Aries gusto kang makasabay kumain" naiilang na sabi nya

Napabalik ako sa realidad sa sinabi nya, walang alinlangang pinatay ang music sa phone ko.

"Ah yeah, sege" sabi ko at tumayo sa kama

Ano ba ito? kanina lang parang gusto ng umiyak tapos heto at parang walang nangyari

Tumingin ako kay Jema na ngayon ay nakatingin sa'kin

My Sunset GirlWhere stories live. Discover now