Chapter 20

905 39 9
                                    

Jema

Nakatingin na lang ako kay Deanna habang naghihintay ng sagot ko,ng bigla nalang bumukas ang pinto pumasok ang nurse

"Goodmorning po ma'am Deanna, may prutas pong padala galing sa mama nyo" ngiting sabi nya lahat kami ay napatingin kay Deanna na ngayon ay nasa tabi parin si Aries

Nagbago ang expression ng mukha nya, yung lungkot na nakikita ko nadagdagan ulit iyon.

"Thank you nurse A,pakilagay nalang dyan" sabi nya sumunod ang nurse sa kanya at tsaka tumingin sakin ang nurse

"Ma'am yung fiance nyo oh nasa labas para pong umiiyak eh" sabi nya

Naramdaman kong tumingin sila sa'kin kaya sabi ko sa nurse na lalabas ako at nag paalam na ito

"Aries dito ka muna ah, pupuntahan ko lang da- lalabas lang si Mommy" ngiting sabi ko kahit na muntikan na ako doon.

Umiwas ng tingin sa'kin si Deanna,kaya tumingin na lang sa mga kaibigan ko

"Labas lang muna ako,kayo muna bahala dito" sabi ko tumingin pa ako kay Deanna pero parang iniiwas nyang tumingin sakin

Lumabas na ako at saktong nakita ko si Kam na nakaupo habang tulala,kaya nilapitan ko ito.

"Bakit ka umiiyak?" Sabi ko sa kanya napatingin sya sakin

"I-I'm sorry hon, H-hindi ko sinasadya I'm really sorry" iyak na sabi nya

Niyakap ko na lang sya

"Wala kang kasalanan, tumahan kana ampangit mo umiyak" tawang sabi ko kaya kumalas sya sa pagkayap ko at ngumiti sa'kin
Napatigil akong nakatingin sa kanya,ano to? ano tong nararamdaman ko,bakit ganito.

"I'm really sorry hon,gusto kong makabawi sa inyo ng kambal" ngiting sabi nya at hinalikan ako sa pisngi tsaka nagmamadaling umalis

Naiwan akong tulala sa ginawa nya, Hindi ko alam kong bakit ganun ang naramdaman ko bakit bumilis ang tibok ng puso ko? Dapat maging masaya ako eh.

Ngunit bakit parang mali ito? Mahal na ba kita Kamille?

Tumingin ako sa pintuan ng room ni Deanna at saktong nakita ko syang nakatayo doon.

Dali dali akong tumayo at tumungo sa kinatatayuan na nya

"Kanina kapa ba dyan?" Tanong ko

Tinignan nya lang ang ako at para bang sinasaulo ang bawat anggulo ng mukha ako, nakaramdam na naman ako ng hiya

"You love her" sabi nya

Natigilan ako sa sinabi nya at tumingin sa kanya

"Kailangan mong magpahinga Deanna,halika na" sabi ko ko sa kanya pero nanatili syang nakatayo doon

"Alam mo bang kay tagal kong naghintay na makabalik ka sa'kin" sabi nya pero ramdam ko ang bawat sakit sa mga salitang iyon

Nanatili akong tahimik hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya

"Naghintay ako Margarett" sabi nya pero hindi na nakaligtas sa'kin ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nya

Naghintay ako Margarett

Margarett....tinawag nya akong Margarett

Kaytagal kong hindi narinig yan bakit hindi parin nagbabago ang epektong iyon.

"D-Deanna" sabi ko dahil hindi ko alam kung paano't saan hahanapin ang mga salitang sasabihin ko sa kanya

Tumawa sya pero alam kong hindi totoo iyon,at tumingin ulit sya sa'kin deretso sa mga mata ko.

"Sa gitna pala ng paghihintay ko,meron ng iba"ngiting sabi nya pero lumuluha parin

Please, naguguluhan ako Deanna ayukong makita kang nasasaktan na naman dahil sakin

"Na...Sa gitna ng paghihintay ko, Hindi na pala ako" sabi nya at iniwan ako sa labas

"D-Deanna,I'm sorry" mahinang sabi ko

Nasaktan ko na naman ang taong walang ginawa kundi ang hintayin ako, Mahal nya parin ako sa kanila ng lahat ng ginawa ko.

"Hayaan mo muna syang mag-isip ate Jema"

Nagulat akong tumingin sa likuran ko at nakita ang kapatid ni Deanna

"Justine?" Di makapaniwalang sabi ko

"Ako ng bahala sa kanya,mukhang andyan na fiance mo" ngiting sabi nya at pumasok sa room ni Deanna

Nakita ko si Kamille na may dalang pagkain.

Naguguluhan ako.

My Sunset GirlWhere stories live. Discover now