Chapter 2

931 39 2
                                    

Deanna

Nakaupo ako sa buhangin habang pinagmamasdan ang tahimik na dagat ngunit nakikita ko sa malayo ang madilim na ulap.

Hmmm mukhang uulan na naman,kanina lang nagpagkita ang araw pero heto't dadating na naman sya. Patuloy lang ako sa pagmasid ng nakaramdaman ako ng mga yabag na papalapit sa'kin ngunit hinyaan ko na lamang.

"Woy Deans! Tawag ka ni mama kakain na daw" sabi ni Ate Bea

Tama kayo si Bea nga ,at ang mama nya ang kasama ko sa isang resort na pag-aari ko.

"Mauna na kayo ni Tita, susunod ako" sabi ko

Ngunit narinig ko ang buntong hininga nya, malalim pa sa dagat, at tsaka sya tumabi sa'kin .

"Still thinking of her?" Tanong nya na ikinatingin ko sa kanya pero nakatuon sa dagat ang paningin nya, binalik ko ang paningin ko sa dagat.

"No, I'm thinking about Lucas" sabi ko

"Eyes can't hide, pero sege sabi mo eh" sabi nya

Dumaan ang katahimikan saming dalawa,pero sya narin ang unang bumasag.

"Death anniversary nya pala bukas, uuwi kaba?" Sabi nya

"I don't know, I'm still not ready to face them" sabi ko

"Them? Or you're avoiding someone?" Sabi nya,tumingin naman ako sa kanya pero nanatili parin sa dagat ang mga paningin nya.

"Hindi ko sya iniiwasan" sagot ko sa kanya nakangisi naman syang tumingin sa'kin

"Oh diba? Hindi pa nga ako nag drop name pero alam mo na kung sino" ngising sabi nya Hindi ko sya pinansin

Tumayo ako at pinadpad ang buhangin sa short ko,akmang tatalikod na ako ng bigla naman nagsalita si ate Bea.

"Umuwi kana, madaming naghihintay sayo, bigay mo na yung araw para kay Lucas bukas, hinahanap kana ng anak ni Lucas, madami ka ng utang sa bata" sabi nya bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa kanya.

"I'll try, madami pa akong trabaho bukas,diba sabi mo may nag pa reserve pa para sa n-

Napahinto naman ako sa sinabi ko at ngayon lang pumasok sa isipan ko na bukas pala gaganapin yung party sa kabilang isla

Tumingin naman ako kay ate Bea na ngayon ay abot ngiting nakatingin sa'kin

"Don't tell me..." Di makapaniawalang sambit ko.

Pero tanging ngiti lang nya ang nakuha kong sagot at nilagpasan ako.

"Ey!ate Bea! Woy! Sandali ate!" Inis na sigaw ko pero patuloy lang sya sa paglalakad

Ah! Pasaway talagang kapre ka!

Kaya pala ayaw mong ipaalam sakin ang tungkol dito at ikaw ang nag-aasikaso. Damn it!

Anong gagawin ko? Sana naman may magandang mangyayari bukas.

My Sunset GirlWhere stories live. Discover now