Chapter 26

844 42 17
                                    

Deanna

Nauna akong lumabas ng biglang nag-ring ang phone ko.

Doc. Traviz~

Nakaramdam ako ng kaba, yung kaninang saya na naramdaman ko ay napalitan agad ng lungkot.

"Oh anong mukha yan?" Bea

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay kasunod lang si Jema at iba naming kasama.

"Deanna?are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jema

Kaya lahat sila ay naghihintay ng sagot ko.

"Y-yeah,I'm okay yung secretary ko ay tumawag lang tungkol sa resort" pilit na ngiting sagot ko sa kanya

Umiwas ako ng tingin sa kanya, dahil alam kong alam nyang hindi iyon ang totoo.

"Tumawag si Ponggay, kasama nya ang fiance mo Jema" Justine

Napatingin kaming lahat sa kanya

"Nasa bahay ang fiance mo, may tama ng baril" sunod na sabi ni Justine

Nabigla naman ako sa narinig ko, pero naagaw ng atensyon ko ang naging reaction ni Jema,at doon napagtanto ko sa sarili ko na huli na ang lahat para samin.

"Let's go, puntahin natin si Cal" biglang sabi ko

Tumingin sakin si Jema, lumuluhang Jema.

"Sundan nyo lang kami ni ate Bea,kami lang nakakaalam ng bahay ni Ponggay" sabi ko habang nakatingin kay Jema

Ngumiti na lamang ako sa kanya at naunang pumasok sa sasakyan ni Bea,hindi ko alam bakit andito to.

"Tumawag yung doctor mo?" Ate Bea

Nasa daan kami ng bigla syang nagsalita

"Paano mo sasabihin sa kanila?" dagdag na tanong nya

Paano nga ba?hindi ko rin alam.

"Atleast diba, nakita kong magiging okay sila ng mga anak ko" sabi ko " she deserve to be happy, and I can't give that happiness to her" dagdag na sabi ko at hindi ko namalayan na lumuluha na ako,,pinahinto ko ang sasakyan at tumingin kay ate Bea

"Ate Bea?tell me, deserve ko rin ba ito?" lumuhang tanong ko

"No, deserve mong maging masaya din, kaya please tahan na" sabi nya at niyakap ako ng mahigpit

Kumalas sya sa pagyakap ng marinig namin ang sigaw ni Justine

"Okay lang ba kayo dyan?" Justine

ngumiti sa'kin si ate Bea at lumabas ng sasakyan, narinig kong nagsalita si ate Bea

"Yeah we're okay, nakalimutan kasi ni Deanna yung daan kaya ako nalang yung magda-drive" sabi nya

Kaya si ate Bea na ang nag drive ng sasakyan patungo sa bahay ni Ponggay.

Sana naman walang luha ang lalabas sa mga mata ko,at kaya kong makita syang kasama ang lalaking iyon.

My Sunset GirlWhere stories live. Discover now