three.

58 4 2
                                    

"Renjun, hinanap kita kanina."

"So?"

Tinaasan pa ni Renjun ng kilay si Donghyuck.

"Wow, sungit. Gusto ko lang namang ayain kang lumabas mamaya. Kung ayaw mo, edi 'wag."

Aalis na sana si Donghyuck nang hilain siya ni Renjun sa laylayan ng damit niya. "Sige, saan ba?"

Ngumisi nang nakakaloko si Donghyuck. "Sunduin kita sa room mo mamaya. See you." Kumindat siya saka umalis at iniwan si Renjun sa hallway na nakanganga.

"Fuck."

Nagmamadaling tumakbo si Renjun papunta sa canteen at sa usual spot nila ay nakita niya roon sina Jaemin at Chenle.

"Gago, gago, gago."

"Oh? Bakit humahangos ka?" tanong ni Chenle.

Bumuntong-hininga si Renjun bago umupo sa tabi ni Jaemin. "Tangina, inaya akong lumabas mamaya."

"Nino?"

"Ng crush ko. Shet!"

Ngumiti nang malapad si Jaemin at nirolyo naman ni Chenle ang mga mata niya.

Sa kabilang banda, bumungad ang paghampas ni Donghyuck sa lamesa. Bahagya namang nagulat sina Jeno at Jisung kaya't napatingin sila sa kaniya.

"Problema mo?"

"Tangina, paano ba umamin sa crush?"

"Yikes, may crush ka?"

Umupo si Donghyuck sa tabi ni Jisung. "Hindi ko nga alam, e. Pero feeling ko, crush ko na siya. Ah, ewan!"

"Sino, 'yung taga-humss?" singit naman ni Jisung.

Tumango lang si Donghyuck bilang sagot. "Hindi ko talaga alam, gago."

"Donghyuck, you have all the time to think about your feelings and such. Hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay."

Nagtatakang tumingin sina Donghyuck at Jisung kay Jeno dahil sa mala-philosophical nitong sinabi.

"Kaso... inaya ko siyang lumabas mamaya. Shet."

"Puta, ang tanga mo, Donghyuck hyung."

Tumawa nang malakas sina Jeno at Jisung habang bumuntong-hininga lang si Donghyuck.
-

𝗘𝗠𝗣𝗧𝗬 𝗘𝗡𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗘 ❣ 𝘯𝘰𝘮𝘪𝘯.Where stories live. Discover now