seventy-seven.

24 0 0
                                    

Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila. Hindi kalakihan pero maganda ang labas. May halaman sila sa gilid at tindahan sa kabila. May gate din ang bahay nila.

"Are you okay?" Tumango lang ako sa tanong niya. Pinisil niya nang bahagya ang kamay ko saka hinalikan ito. Napangiti ako dahil doon.

Binuksan niya ang gate at mas lalong tumibok nang mabilis ang puso ko. Kinakabahan ako.

Pumasok na kami at sinara niya ang gate. Kumatok siya sa pinto saka ito binuksan. Binitawan niya ang kamay ko at naunang pumasok sa loob.

"Oh, nasaan na 'yung boyfriend mo, anak?"

Napalunok ako nang lumingon siya sa 'kin. "Nandito na po siya."

Sinenyasan niya ako na lumapit at ginawa ko naman. Pumasok ako sa loob at tumayo sa tabi niya. "Good afternoon po."

"Ikaw si Jeno? Ang gwapong bata." Pasikreto akong ngumisi. "Halina't pumasok na kayo rito."

Hinila ako ni Jaemin papunta sa isang bakanteng sofa. Ang kabilang sofa ay inuupuan ng mga magulang niya.

Naikwento niya sa 'king only child lang siya kung kaya't tatlo lamang sila rito sa kanilang tirahan.

"Ilang taon ka na, hijo?" Tatay niya 'yung nagtanong.

Edad lang ang tinanong pero kinakabahan pa rin ako. "Eighteen po."

"Ah, same age lang pala kayo. Grade 12 ka na rin ba?" Tumango lang ako. "Anong strand ang kinuha mo?"

"ABM po."

"Ah! Maganda 'yan. Balak mo bang maging accountant?"

Gusto ko sanang sabihing Business Manager pero feeling ko ay iju-judge nila ako. Ewan ko. "Opo."

"Accountant at lawyer? Matchy." singit naman ng nanay niya. "Kumain ka na ba, Jeno?"

"Opo, kumain po ako bago ako umalis."

"Osya! Sabi ni Nana ay may pag-uusapan kayo?" Tumango na lang ako ulit. "Oh, sige na, aakyat kami sa taas para hindi kami makaistorbo—"

"Hindi na po, Ma. Kami na lang ang aakyat."

"Doon kayo sa taas mag-uusap?" Ngumiti pa si Mrs. Na. Kakaiba 'yung ngiti, parang may kahulugan.

"Opo."

"Osya, sige. 'Wag kayong magkakalat doon."

Magkakalat? Anong kakalatin?

"Tara na, Jeno!"

Hinila ni Jaemin ang kamay ko at tumango ako sa mga magulang niya bago ako magpahila sa kaniya papunta sa taas.

Nakarating kami sa kwarto niya. Pumasok kami sa loob at sinara naman niya ang pinto. Umupo ako sa kama at bumuntong-hininga.

Sumunod siya at umupo sa tabi ko. Lumingon ako sa kaniya at tinaas ang isang kilay ko. "Wanna explain now?"

Bigla siyang bumuntong-hininga.

"Matagal na kitang kilala, Jeno. Naging crush kita last year noong nakita kitang mag-perform ng sayaw sa acquintance party natin noong grade 11. Ang galing mong sumayaw at ang gwapo mo, kaya naging crush kita. Nalaman ko na nasa section ABM-A ka kaya nagtanong-tanong ako kung anong pangalan mo. And they said, Lee Jeno."

Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Paminsan-minsan ay pinaglalaruan niya ang mga daliri niya o kaya ang dulo ng skirt niya.

"Never kong sinabi kina Renjun at Chenle na crush kita. Sariling sikap kong hinanap ang facebook account mo, at madali ko siyang nahanap. And then nakita kong naka-attach 'yung twitter account mo roon kaya finollow kita."

𝗘𝗠𝗣𝗧𝗬 𝗘𝗡𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗘 ❣ 𝘯𝘰𝘮𝘪𝘯.Where stories live. Discover now