eighty-five.

26 0 0
                                    

"Hala, gago! Nand'yan na 'yung bestfriend ni Renjun."

Lumingon si Renjun roon sa sumigaw. "Hindi ko siya bestfriend. Boyfriend ko siya."

Dahil doon ay napangiti si Donghyuck. Nahihiyang tumingin ulit sa kaniya si Renjun. "Hindi ba't may sasabihin ka sa 'kin?"

Pinaglaruan ni Renjun ang mga daliri niya at umiwas ng tingin. "Sinasagot na kita, Haechan."

Mas ngumiti nang malapad si Donghyuck. "Ano? Hindi ko narinig."

"Sabi ko, sinasagot na kita. Hindi ba't gusto mong marinig sa personal?" Kinagat ni Renjun ang ibabang labi niya nang napalakas nang konti ang boses niya.

"Bakit parang galit ka? Ayaw mo yata akong maging boyfriend, e."

Ngumuso si Renjun at hinila ang braso ni Donghyuck saka bumuntong-hininga. "Gusto ko. Kaya nga sinasagot na kita." mahinahong sabi niya. "Mahal kita, Haechan."

Nanlaki ang mga mata ni Donghyuck at hinila si Renjun para yakapin ito. "Mahal din kita, Renren."

Sa kabilang dako ay maririnig ang pagbukas ni Jisung ng lunch box niya. Si Chenle naman ay pasimpleng sumisilip sa pagkain nito.

"Anong ulam mo? Pahinge."

"Maling. Kung gusto mong humingi, bilhan mo 'ko ng gravy."

"Ayos ka, ha? Ayoko na ngang humingi sa 'yo."

"Gago! Dali na. Bibigyan nga kita, e. Tapos pahingi rin ako niyang adobo mo."

"Ang tagal nina Renjun at Donghyuck."

"Baka nakatambay na naman si Hyuck kina Renjun tapos hindi nila namalayang nag-bell na pala."

"Wala naman yatang bago roon." singit ni Chenle bago tumayo mula sa kinauupuan niya para bumili ng gravy ni Jisung.

"Kaya pala dati, huling dumarating si Renjun kasi tumatambay pala sa kanila si Hyuck. Hindi pa namin alam noon kung sinong crush niya."

Tumawa si Jeno. "Ang alam lang namin ni Jisung dati, taga-HumSS 'yung palagi niyang pinupuntahan."

"It all makes sense now." singit naman ni Jisung at tumawa.

Nakabalik na si Chenle dala ang isang mangkok ng gravy. Bumalik siya sa pwesto niya, sa tabi ni Jisung, at binigay sa kaniya ang gravy.

"Penge na ako ng maling."

"Ito na. Pahingi rin ako ng adobo."

"Bili na rin tayo?"

"Sige."

Tatayo pa lang sina Jaemin at Jeno nang biglang dumating ang dalawang kanina pa nila hinihintay.

"Wassup!" pagbati ni Donghyuck bago umupo sa tabi ni Jeno. Umupo naman si Renjun sa tabi ni Donghyuck, sabi tapat ni Chenle.

JENO | DONGHYUCK | RENJUN
JAEMIN | JISUNG | CHENLE

"Ang tagal niyo."

"Sorry naman." Nag-peace sign pa ang dalawa.

"Bili muna kami ng pagkain."

Tumango sila at tumayo na sina Jeno at Jaemin para pumunta sa counter.

Kinuha ni Renjun ang kamay ni Donghyuck at pinaglaruan ang mga daliri nito. Napatingin sa kanila sina Chenle at Jisung pero hindi na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain.
-

𝗘𝗠𝗣𝗧𝗬 𝗘𝗡𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗘 ❣ 𝘯𝘰𝘮𝘪𝘯.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora