thirty-four.

37 2 0
                                    

"Jaeminnie!"

"Jeno-ya!"

Nagkatinginan sina Renjun, Chenle at Jisung saka tumawa nang awkward.

"Hello, Renjun hyung." -Jisung

"Hello, Chenle!" -Renjun

"Hello, Jisung-ah." -Chenle

Pagkatapos ng awkward na pagbabatian ay umupo na sina Renjun at Chenle sa magkabilang tabi ni Jaemin at si Jisung naman ay tumabi sa kaliwa si Jeno, sa tapat ni Chenle.

"Wala pa rin si Donghyuck?"

"Uhm, pababa na 'yon, Renjun. Kapag hindi 'yon bumaba, may sapak siya sa 'kin mamaya."

Natawa naman si Jisung dahil doon.

Nagpaalam sina Jaemin at Chenle na bibili sa counter at tumango lang si Jeno. Si Jisung ay may lunch na dala kaya hindi na siya bibili. Si Renjun naman ay naiwan sa pwesto niya at bumuntong-hininga.

"Hindi ka bibili, Renjun hyung?"

Umiling ito, "W-wala akong pera."

Nagpaalam din si Jeno na bibili at tumango na lang sina Renjun at Jisung.

Biglang naging awkward ang atmosphere nilang dalawa dahil hindi naman sila close. Kumakain nang tahimik si Jisung habang si Renjun naman ay tinungo ang ulo sa lamesa.

"Renjun hyung, gusto mong makihati—"

"Hindi na, Jisung, okay lang."

Ilang minuto pa ay bumalik na ang tatlo. Naka-poker face si Chenle habang sina Jeno at Jaemin ay nagtatawanan.

"Nasa counter kami, naglalandian sila." sabi ni Chenle habang umiiling-iling. Bumalik siya sa pwesto niya at inilapag ang biniling lunch.

Bumalik na rin sina Jeno at Jaemin sa mga pwesto nila habang nakatingin lang sa isa't isa.

"Jaemin,"

"Hm?"

"Black coffee ka ba?"

"Tama na, Jeno!" tumatawang sabi nito.

"Oh, sige, ito na lang. Your nickname is Minnie, right?"

"Why? Are you willing to be my Mickey?"

"Can I call you mine instead?"

Sabay-sabay na rumolyo ang mga mata nina Chenle, Jisung at Renjun.

"Guys, pati asin, lalanggamin dahil sa inyo. Tama na 'yan." sabi ni Chenle.

"Bet ko 'yon, Jeno. Sobrang ganda, pwede kitang bigyan ng kiss. Pero kung ayaw mo, pwede mo namang ibalik."

Bumuntong-hininga na lang ang tatlo.

"Ano, 3-3 na ba?"

"Oo, 3-3 na."

Tumawa sina Jeno at Jaemin habang ang tatlo naman ay nakatingin lang sa kanila nang nagtataka.

"Guys!" Biglang dumating si Donghyuck kaya't napalingon silang lahat sa kaniya. "Alam kong gwapo ako pero 'wag niyo na akong tignan."

"Wow, Donghyuck hyung, napakakapal ng mukha."

Nirolyo lang ni Donghyuck ang mga mata niya at may inilapag na container sa lamesa. "Sa inyo na lang. Aakyat na ako."

"Anong aakyat? Umupo ka rito."

"Ano 'yan, hyung?"

Umupo si Donghyuck sa tapat ni Renjun. "Bigay ni... Ryujin."

"Nag-usap na kayo?"

"Oo."

"Anong sabi?"

"Okay lang daw."

"Okay lang...?"

"Ewan. I wasn't really paying attention, lumilipad ang isip ko."

"Kumain ka na nga nang hindi 'yang lumipad isip mo."

Pasimpleng binuksan ni Jisung ang container na dala ni Donghyuck. "Hala! Adobo."

"Adobo? Pahingi!" singit ni Chenle. Kumuha 'yung dalawang pinakabata ng ulam doon sa container na dala ni Donghyuck.

"Pahingi rin."

Hindi mapakali ang mga mata ni Renjun at sinusubukang iwasan si Donghyuck. Ginalaw niya ang paa niya para maabot ang paa ni Donghyuck.

Dahil dito ay nagkatinginan silang dalawa at agad ding umiwas. Nagkatinginan din sina Jeno at Jaemin saka tumawa nang malakas. Sina Chenle at Jisung naman ay busy kumain.
-

𝗘𝗠𝗣𝗧𝗬 𝗘𝗡𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗘 ❣ 𝘯𝘰𝘮𝘪𝘯.Where stories live. Discover now