ninety.

37 0 0
                                    

NOMIN

"Jeno!"

"Hm?"

"Nasa 'yo pa ba 'yung mga envelope?"

"Yep. Bakit?"

"Babawiin ko na."

"Bakit mo babawiin? Binigay mo na sa 'kin."

"Wala namang laman, anong gagawin mo roon?"

"Edi souvenir, idi-display ko sa kwarto ko."

"Gago!" Hinampas ni Jaemin si Jeno sa braso nang marahan saka tumawa nang bahagya. "Pero ikaw bahala, baka mapakinabangan mo pa 'yon."

"By the way, kasi dati may naglagay din ng walang lamang container sa locker ko. Ikaw din ba 'yon?"

Umiling si Jaemin at tumawa nang malakas. "Lakas din ng trip."

"Punyetang 'yon!"

"Anong ginawa mo sa container?"

"Dinala ko sa bahay tapos binigay ko kay Mama. Natuwa naman siya." Tumawa pabalik si Jeno.

"Buti naman. Sa susunod, padadalhan din kita ng walang lamang box ng pizza pero may hot sauce sa loob."

"Gaga!" Hinila niya sa braso si Jaemin at niyakap ito. "You're lucky I like you."

"You mean, you love me?" Yumakap ito pabalik sa boyfriend niya at pinatong ang pisngi sa balikat ni Jeno.

"Yeah, I love you."

"I love you, too, Jeno."

HYUCKREN

"Haechan."

"Yes, Renren?"

Ngumiti si Renjun nang malapad. "May ibibigay ako sa 'yo. Sana magkasya."

"Ano 'yon?"

"Ito." Inabutan ni Renjun si Donghyuck ng isang maliit na box. "Matagal ko nang binili 'yan. Naalala mo noong Valentines' Day, may natanggap ka bang sulat mula kay Moomin Lover?"

Nag-isip saglit si Donghyuck. "Yeah. Natatanging sulat na nakalagay sa scented paper. Sa 'yo pala 'yon?"

Nahihiyang tumango si Renjun, "Dapat isasabay ko ito kaso nahiya ako."

"Ano ba 'yan?" Kinuha ni Donghyuck ang maliit na box mula sa kamay ni Renjun at binuksan ito. May dalawang singsing sa loob. "Oh."

"Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko noong binili ko 'yan. Baliw na yata ako."

Tumawa nang bahagya si Donghyuck at kinuha ang mas maliit na singsing. Kinuha niya ang kamay ni Renjun at isinuot sa daliri nito ang singsing. "Kasya sa 'yo."

Ngumiti si Renjun at kinuha naman ang natitirang singsing mula sa box saka isinuot din sa daliri ni Donghyuck. "Thank goodness, kasya rin."

"You know, we do things we don't expect to do when it comes to the person we like. So, I don't blame you for buying these rings."

Renjun sighs and kisses the ring Donghyuck's wearing. Donghyuck's heart just skipped a beat as he smiles. "I like you, Donghyuck."

"I like you, too."

MARKSUNG + CHENLE

"Mark, akin na 'yang kamay mo. Huhulaan kita."

"Weh, talaga ba, Chenle? Chansing ka lang sa boyfriend ko, e."

"Slight." Tumawa si Chenle at sinamaan siya ng tingin si Jisung.

"Sige nga, hulaan mo 'ko. Makakapasa ba ako ngayong semester?"

Kukunin sana ni Chenle ang kamay ni Mark pero pinigilan siya ni Jisung.

Nirolyo na lamang ni Chenle ang kaniyang mga mata. "Makakapasa ka, may tiwala ako sa 'yo. At hindi ka lang makakapasa, makakakuha ka pa ng mataas na grado."

"Nice!"

Yumakap si Jisung kay Mark habang masama pa rin ang tingin kay Chenle.

"Parang tanga 'to. Hindi ko naman aagawin 'yang boyfriend mo. Straight ako, gago."

"Kasing-straight ng nabaling kahoy."

"Jisung!" Ngumuso si Jisung nang tawagin siya ni Mark. "Chenle's a friend. No need to be jealous. I only love you."

"Aight, Imma head out."

-

A/N

epilogue na po sunod :((

𝗘𝗠𝗣𝗧𝗬 𝗘𝗡𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗘 ❣ 𝘯𝘰𝘮𝘪𝘯.Where stories live. Discover now