sixty.

30 0 0
                                    

"Nana, huwag ka nang tumitig sa 'kin, mag-review ka na lang."

Bumuntong-hininga siya at kumapit sa braso ko. "Ayoko na, wala na akong maintindihan."

"Pahinga ka muna. Humiga ka d'yan sa kama ko." Ginawa naming lamesa ang kama habang nakaupo kami sa sahig.

Kumunot siya at umiling, "Baka makatulog ako."

"Umupo ka na lang." Umiling ulit siya kaya hinayaan ko na lang siyang nakakapit lang sa braso ko. "Gusto mong kumain? May biskwit ako rito."

"It's okay, mamaya na lang." Tumango ako bago tinuon ang mga mata ko sa libro ko. "Jeno, ang ganda ng bahay niyo."

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti nang bahagya. "Thanks."

"Hey! Nakaka-amaze lang na it's our first day of being in a relationship and also the first day na nakapasok ako rito sa bahay niyo. Kinda fits the moment."

Tumango-tango ako. Naalala ko 'yung usapan namin nina Donghyuck, Mark at Jisung kagabi sa GC. Paano kung si Jaemin nga ang nagpapadala ng mga walang lamang envelope? Pero bakit?

"Baby? Jeno, are you okay?"

Nabalik ako sa ulirat at tumingin sa kaniya. "Yeah, I'm okay. Kung nagugutom ka, ito ang biskwit." Nilapag ko sa harapan niya 'yung biskwit mula sa tabi ng kama. "Kung gusto mo namang matulog, maluwag ang kama. Magre-review na ako."

Tumango siya at tinungo ang ulo sa kama habang nakatingin sa 'kin. Ngumiti ako sa kaniya bago tuminging muli sa libro ko.

Hindi ako makapag-focus kung nakikita ko sa peripheral view kong nakatitig sa 'kin si Jaemin. "Baby, stop staring at me."

"Are you being conscious?"

"I can't focus on this damn thing." Tumingin ako sa kaniya at nakatitig pa rin siya sa 'kin pero ngayo'y nakangisi.

Napalunok ako. Ang ganda niya!

"Jaemin, just sleep."

"No! I want to watch you."

"That's creepy." Tumawa ako pero seryoso lang ang mukha niya. "Minnie."

"Hm?"

"Mag-review ka na lang."

Ngumuso siya at kinuha ang biskwit na binigay ko sa kaniya. "Kakain na lang ako."

"Good. Eat well, baby!"

I saw them blushed. "Shut up!"

Tumawa ako at hinalikan siya sa pisngi bago tumingin ulit sa libro ko. Honestly, I can't understand a thing.

-

𝗘𝗠𝗣𝗧𝗬 𝗘𝗡𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗘 ❣ 𝘯𝘰𝘮𝘪𝘯.Kde žijí příběhy. Začni objevovat