Chapter 7: The moment I saw you cry

3.3K 123 6
                                    

Chapter 7: The moment I saw you cry

"Magmadali kayo!", hiyaw sa amin ni Amalthea.

Sinunod namin siya. Tumingin ako sa Big Three at sila'y tumango. Handa na, maabutan man nila kami o hindi. CLOP! CLOP! Naglakad si Amalthea patungo sa isang chest, binuksan niya ito

at hinablot ang isang Ziploc bag at sa loob nito ay pulang laman. Ang entrails ng Ophiotaurus!

Teka, nasa Ziploc bag? Ineexpect ko pa naman na nasa isang engrandeng jar o ginintuang

containter na kailangan mong sayawan para bumukas.

Pero ayos na ito, mas handy.

Lumapit si Amalthea kay Zeus. Rinig ko na ang kalabog ng mga nagdaratingan na army, parang

aluminum na kinakaskas sa semento. Nakakagimbal. Hinawakan ni Amalthea si Zeus sa mukha.

"Magiingat kayo, anak kong Zeus. Malalagpasan niyo ito.", sabi niya gamit ang kanyang napaka-tranquil na boses, para bang hindi siya nagalit sa talang buhay niya.

Tumango si Zeus at matapos ay hinalikan sa pisngi si Amalthea. Napalunok ako, tila nga

mahal ni Zeus itong foster mother niya. At dahil doon ay pumasok sa isip ko ang aking mama,

ang aking buong pamilya...pero agad ko silang sinipa paalis sa aking utak, kailangan maging

positibo ako.

"Huwag ka magalala. Gagawin namin ang lahat. Si Zeus ata ito, ang batang uminom ng iyong

sagradong gatas.", pagmamayabang ni Zeus.

Ngumiti na lang si Zeus. Umubo si Hades.

"Ayoko sana kayo guluhin pero kailangan na nating umalis dito. Zeus?", sabi niya.

Tumango si Zeus, buti naman hindi siya ngumanga para magbunganga kundi aabot itong arrow sa aking bow patungo sa kanyang mga labi.

"Paano tayo aalis dito?", tanong ko.

"Simple lang. Ang fireplace. Magiging konektado ito sa hearth sa Olympus sa simpleng pitik

lang.", paliwanag ni Hades.

"Let's go.", impit na salita ni Poseidon.

Nagmadali naming sinamahan si Zeus at Amalthea na malapit sa fireplace. Napatalon ako sa

battlecry ng mga halimaw, malapit na sila...si Promtheus, nabuhay ulit siya? Ang alam ko

nasa Tartarus na siya.

Hawak na ni Zeus ang entrails na nasa Ziploc. Humarap kaming lahat sa fireplace, tila nagiiba

ang kulay na ito at lumalaki. Ayan na naman, ramdam ko na naman ang init at halos pagpunit

sa aking mukha.

Tumingin si Zeus kay Amalthea.

"Magiingat ka. Babalikan ka namin."

Ngumiti na lamang si Amalthea. Pumikit ako, handa nang malamon nang apoy nang makarinig kami ng malamig na boses sa aming likuran.

"Walang aalis!"

Dumilat ako dahil nawala na ang init, pagkatingin ko sa fireplace ay abo at kahoy na lamang

ang nakita ko. Wala nang apoy. Lumingon ako at nakita ang Big Three na nakatingin na rin sa Titan na nakapasok na sa kuweba, nakasakay siya sa isang chariot, hawak niya ang reins ng mga kabayong pula ang mga mata at may matatalas na ngipin.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon