Chapter 3: Ophiotaurus

4.1K 134 16
                                    

Chapter 3 - Ophiotaurus

            Kakaibang makita ang dalawang gods (na nasa teenager form) na sumakay sa dyip. Matapos naming mabasa ang mensahe ni Zeus ay agad agad kaming naghanda. Hindi na kami nagkaoras na libutin ang palasyo ni Poseidon (wala silang mga hagdan sa palasyo, puro slides, para bang nasa resort ka), ang kanyang may bahay na si Amphirite ay busy daw sa pagkukumbinsi sa ibang minor gods na umanib sa side ng Olympus.

            Isang pitik lang ni Poseidon ay napunta kaming lahat sa may fountain, kung saan kami nagawi ni Hades para tumungo sa kingdom ni Poseidon. Nakasuot na ng plain white shirt at jeans si Poseidon, ang kanyang brown na buhok ay kumikinang na lalong nagpapaaliwalas sa kanyang mukha.

            "Kyaa! Nandito na naman ako sa mortal world!", iyak niya.

            Tumingin sa akin si Hades.

            "Anong oras na?"

            Tinignan ko ang aking relo.

            "4:01 na. Naku, dada ang aabutin natin kay Zeus nito."

            At ayun na nga, agad agad kaming sumakay ng dyip patungo sa Starbucks Taft na sinasabi ni Zeus. Malikot ang paningin ni Poseidon, kumakaway sa ibang pasahero, ang ibang mga dalaga ay nagblublush dahil nga siguro good looking itong si Poseidon.

            Lagi siyang lumalapit sa aking tenga at nagtatanong, "'Ano itong sinulid na ito?"

            "Hihilahin mo iyan para tumigil ang sasakyan."

            "Ano ito?"

            "Basurahan iyan."

            "Ano iyon?"

            "Rearview mirror."

            Nagmumukha na nga kaming mga baliw eh. Si Hades ay tahimik lang sa isang tabi. Agad akong dumukot ng pera sa aking bulsa at inabot kay Hades.

            "Ibayad mo oh."

            May kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha, halatang nagpapanic. Nakakatuwang makita ang mga gods na nalilito sa mga simpleng bagay sa mundo ng mga mortal.

            "Iaabot mo lang doon sa driver. Sabihin mo 'bayad po!'"

            Napalunok siya at inabot, nanuod ng maigi si Poseidon, naglabas pa siya ng notebook para magtake notes sa mga gawain ng mga tao. Agad lumapit si Hades sa driver at nagsalita.

            "Bayad po!", pasigaw ang kanyang sabi, medyo napatalon sa gulat ang driver.

            Napangiti ako at nagsalita na para sa kanya, "Vito Cruz ho."

            Masaya ang journey sa dyip, si Hades at Poseidon ay hindi maiwasang tumingin sa bintana ng dyip. Namamangha si Poseidon sa kung anu-ano, sa mga nagtitinda ng fishballs, sa mga traffic enforcer na sumasayaw sa ilalim ng initan at sa mga naglalakihang mga bus. Si Hades ay halata rin ang pagkagulat sa ibang mga bagay na nakikita niya. Lahat ng tingin ay nasa amin na.

            4:30 ay dumating na kami sa may Starbucks. Sa salamin pa lang ay kita na namin ang teenager na si Zeus, nakaupo sa isa sa mga stool, may kape sa kanyang mesa at siya'y nakapikit, hindi siya tulog, nanggagalaiti lang siya sa inis.

            Pumasok na kaming tatlo, may nagwelcome sa amin na isang crew. Nagkatinginan kami ni Poseidon at Hades at ako'y napalunok, lumapit na kami kay Zeus nang marahan.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon