Chapter 10: Challenge

3.3K 130 24
                                    

A/N: Tsaka ko na po ifoformat ulit. Medyo busy lang ang kuya nyo :D Enjoy!


Chapter 10: Challenge


Thankfully, yeah, thankfully ay nagattend agad sa amin ang mga Nurses. Nanginginig ang buo kong katawan nang

kuhain si Hades ng mga Nurse at nilagay sa isang stretcher. Malabo ang paningin ko, ang aking puso ay walang

tigil ang pagtibok, may iba ibang kulay ng mga dugo sa aking mga palad, gold at pula.


"Fatal ang kanyang sugat. High kind of magic.", sabi ng isang Nurse.


"Hindi...", ang sambit ko.


Dinala nila si Hades sa isang kuwarto. Gusto kong sumama ngunit hinarangan nila ako at sinara ang pinto. Nag

pace ako, hindi mapakali. Humihinga pa rin ba si Hades bago siya kuhanin ng mga Nurse? Ano? Hindi ko maalala!

Pero imortal naman si Hades...diba...pero matindi ang ginawa ni Prometheus.


Umiling iling ako, hindi ako kailangan magisip nang ganito. Ang init sa aking dibdib ay patuloy ang

pagikot. Tumakbo ako at niyakap si Angel at Kim, patuloy pa rin silang lumuluha, pinisil ko sila sa aking

katawan at hinalikan ang kanilang mga noo.


"Ate, anong nangyayari?", tanong ni Angel.


"Mahirap ipaliwanag, baby. Pero magiging okay na ang lahat." Pero nagsinungaling ako, hindi pa sigurado ang

lahat.


Pinuntahan ko ang aking magulang na nakahandusay, shinake ko sila, ginigising, chineck ko ang kanilang pulse

at hininga. Mabuti naman. Si Johnny, pinuntahan ko siya at pinilit din gisingin, matindi ang tama niya sa

ulo, umungol siya.


"Johnny! Magpahinga ka lang.", mabilis kong sambit.


Nilapitan ko ang umiiyak na sanggol kong kapatid. Kasama si Angel at Kim ay nilapitan namin siya, ganitong

mundo ang kanyang nilabasan. Isang warzone. Puno ng sakit at takot. Kinuha ko ang kapatid ko at niyakap

siya.


Bumukas ang mga pinto nang Olympus, parang slow motion ang lahat, nandoon si Paris at Zeus, kasama ang ilang

warriors. Tumakbo sila sa akin, napakalaking relief, para na akong magcocollapse. Nakita ko ang mga Nurse

at warriors na binuhat ang aking mga magulang, pati si Johnny. Kinuha ni Paris si Angel at Kim, pati na

rin ang aking baby na kapatid.


Dumilim ang aking paningin, nakita ko si Zeus, nakatingin siya sa akin at sumisigaw siya.


"Amber! Amber!"


At ako'y nawalan na ng ulirat.

Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon