Epilogue

1.9K 92 3
                                    


Epilogue

Apat na buwan na ang lumipas simula nang naganap na giyera. Mahabang paliwangan ang naganap between me and my family dahil sobrang confused sila. Kung ako daw si Hestia eh bakit kamukha ko sila? Alam kong namodify din ang aking features at pag mahal mo at lagi mong kasama diba magiging kamukha mo na? Pero matapos ang lahat ay naintindihan din nila.

Nag-agree sila na dito na rin tumira sa Olympus.

Speaking of Olympus, yes, inaayos na namin ang lahat. Kasama si Athena ay nagplano kami, nagpupuyat kami kahrap ang blueprints, tumulong na rin ang aking passion for arts.

Ang mortal na mundo ay nagimbal sa mga naganap, sino nga ba ang hindi magigimbal doon? Mataos ang giyera ditto sa Olympus ay natapos na din ang atake sa bawat parte ng mundo. Ngayon puro newscasts, documentaries, tv shows, publications at kung anu-ano pa tungkol sa "magical world, creatures and beings" ang makikita mo. Can't blame them. Tinutulungan din namin sila umahon, lalo't mas matatag na kami ngayon.

Nagbobond kami lagi kasama ko ang aking brothers and family members, minsan nagfoform sila bilang teenagers para kami'y makakain sa Burger King. Ewan ko ba, tila naging trend na ata sa Olympians na maging teenagers, pauso kasi ng Big Three eh. In case you're wondering, oo, nagform ako bilang adult isang beses at ayoko nang ulitin.

Si Paris ay madalas dumadalaw sa Olympus upang tumulong magayos ng mga nasira. Lahat ay nagtutulong tulong. At ayon kay Paris ay nasa final draft na siya ng kayang librong sinusulat based sa aming adventures.

Si Pan, Oracle at Laelaps ay parang nadikit ng glue, lagi silang magkakasama. Isang araw ay binigla ni Pan si Oracle ng isang bagong alaga: isang biik! At tatawagin daw niya itong Berphig. Hango sa Amber at Delphig.

At si Hades. Napapangiti ako kapag naaalala ko siya.

Isang araw, isang normal na araw sa Olympus. Ang throne room at ang hagdan pababa ay inaayos. Nakasuot ako ng simpleng jeans at t-shirt. At may dala ako sa aking mga kamay: isang seed.

"Good morning, Guardian!", bungad sa akin ni Poseidon nang ako'y paliko patungo sa garden.

"Magandang umaga rin, Poseidon!"

"Where are you going?"

"Sa garden."

"Huh?"

Binuka ko ang aking palad at pinakita ito sa kanya. Tumango siya at niyakap ako.

"He'll live on.", bulong niya sa akin.

Matapos ay tumakbo siya papaalis, nagmamadali.

"Uy, dahan dahan!"

"May date ako with Amphy! Don't want to be late!", pahabol niya.

Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad at guess what, kay Zeus naman ako bumangga. Humampas ang ulo ko

sa kanyang dibdib.

"Ow! Ambe-- Hestia."

"Zeus."

"Musta?"

"Ayos lang. Tutungo ako sa garden."

Tumango rin siya, tila alam ang aking plano. Katahimikan. Naisip ko kung paano mas naging gentle si Zeus, kung paano siya mas naging maunawain. Binasag niya ang katahimikan nang hinalikan niya ang noo ko, paborito niya itong gawin na para bang lola ako.

"Mahal kita, Amber. Bilang kapatid at bilang kahit ano pa. Ingat ah."

Ginulo niya ang buhok ko at naglakad.

"See you at breakfast!"

"Sige!", hiyaw ko.

Inayos ko ang buhok ko at naglakad hanggang ako'y makarating na sa garden. Ito ang pinakadulong lugar ng Olympus, walang bubong. Parang isang greenhouse, may gazebo, fountain at mga upuan sa paligid. May mga ibong lumilipad at puno ng beds ng halaman at bulaklak. Peaceful.

Lumapit ako sa cleared na parte ng lupa at nagbungkal, nilagay ko ang seed dito at tinabunan. Ito ang buto na nakita namin sa mismong pwesto kung saan pumanaw si Hades. Isa itong buto ng punong narra, mataas, matatag. Papanuorin ko itong lumaki hanggang sa hindi ko na siya kaya pang tingalain at aakyatin ko ito nang may buong sigla.

Matapos kog itanim ito ay umupo ako sa bench, nagisip. Napahinto ako nang makita ko si Pan sa may gazebo, gamit ang kanyang flute, kailan pa siya napunta doon? At habang tinutugtog niya ang kanyang flute ay nakatingin siya sa akin gamit ang kanyang kahali-halinang mga green eyes.

May lumabas na sprout mula sa pinagtaniman ko, dahil siguro sa tugtugin ni Pan. Huminto siya at tinignan ako at ngumiti. Ngumiti rin ako. May napansin akong shape sa entrance ng garden, si Paris, nakasuot siya ng napakaaliwalas na ngiti, ang kanyang kulay araw na buhok ay parang sumisiklab. At may hawak siya sa kanyang mga kamay: stack ng papel. Ang kanyang final draft.

Naglakad sila pareho papalapit sa akin. Siguro panahon na para pagtuunan ko naman ng pansin ang aking

puso.

Diba?


Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon