Chapter 3

37 9 23
                                    

Mabato, Mapanganib, Malabo,

Na ang daang tinungo

Saan nga ba magsisimula

Nung ako'y nawala

Pagod na ang mga paa

Natuyo na ang pag-asa

Uurong ba't mananalo

O Susulong lang at matatalo?


"Tang*na, ba't ba ang aga-aga ang sakit naman ng mga kanta sa radyo, leche." Singhal ko radyo ng kotse ko kaya pinatay ko na ito. 


Nararamdaman ko na ang ilang luha sa mata ko kaya minabuti ko na ring patayin. Malapit naman na ako sa Office kaya binilisan ko na ang takbo. Buti nalang, malapit na mag-tanghali kaya naman 'di ganoon ka-traffic. 


Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni Miss Hannah. Para bang may parte sa'kin na naiintindihan siya pero wala talaga akong naintindihan. Ang hirap! Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko! Ugh! 


Nang makarating ako sa compound ng office, I parked my car in my space. Special ang space na 'yun dahil ang parking na 'yun ay para lang sa 'kin. Kapag may nagpark doon na hindi ko sasakyan, pinapa-alis ko. Opisina ko naman ito kaya wala silang karapatang banggain ako.


Pumasok ako sa building at kita ko ang mga mata ng lahat ng empleyado sa lobby. Nanlaki ang mga mata nila at saka lumihis ng daan kung saan ako papunta. Ang iba naman ay napayuko nang makita nilang nakatingin ako sa kanila. I smirked off. 


I headed towards the elevator. Pagkabukas ng elevator, nakita kong nasa loob nun ang secretary ko. Tila nagulat siya sa pagbabalik ko dahil hindi na siya umalis sa elevator at sinamahan nalang ako sa loob. Nakatingin pa rin siya sa 'kin nung tumingin rin ako sa kaniya and raised an eyebrow. 


"Gu-good morning po mam." Alanganing ngiti niya at saka unti-unting inalis ang tingin sa'kin. I gave her a freaking grimace. Pababa siguro ito sa lobby dahil malapit na ang lunch break. Pero nung nakita ako, hindi na siya nakababa. Buti alam niya ang drill kapag nandito ako. 


Huli akong pumasok sa office one month ago pa yata. Si Sonia na mismo ang nagsabi sa 'kin na 'wag muna akong pumasok dahil araw-araw nalang na may nasi-sisante dahil sa kagagahan ko. Galit ako noon at halos 'di makausap. Kahit na walang ginagawa ang mga empleyado sa 'kin ay pinapatalsik ko sila sa trabaho. Wala lang, nagugustuhan ko lang noon. Kaya naman pinagbakasyon muna ako ni Sonia para makapagisip-isip. Tapos may nangyari pang ganitong emergency na abala. 


I guess this guy is just uncontrollable kaya naman kinailangan pa 'kong tawagin ni Sonia para kausapin ang lalaking iyon. Tsk. Abala talaga siya! Kumukulo na ang dugo ko sa kaniya! F*ck! Tumunog ang elevator at nagpaalam na si Lian sa 19th floor. Sabi niya ay tawagin nalang ako kapag may kailangan pa ako sa kaniya. Tumango lang ako kahit na para bang walang pakialam sa sinabi niya. Kilala naman niya ako. 


Sumara na ang elevator at pa-akyat na ito sa 20th floor. Maya-maya pa'y bumukas ang elevator at agad akong lumabas.


"Aray!" Bulalas ko matapos mabangga ng isang tao. Napaatras naman ako dahil nagkauntugan kami. Masyado yata akong nagmamadali at hindi ko napansin ang lalaking ito. Tumunghay ako para makita kung sino ang bumangga sa 'kin. 

After Heartache | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon