Chapter 16

10 2 0
                                    

Napakurap ako dahilan para pumatak ang mga luhang nagpa-labo ng paningin ko kanina pa. Agad ko iyong pinunasan at napatungo para itago ang mga luha ko. 


"M-maupo ka." Tipid kong banggit sa kaniya at iginaya ko ang kamay ko sa upuang naka-tapat sa amin. "S-salamat." Mahina niyang saad, at dahan-dahang umupo sa upuang itinuro ko. Para akong isang kriminal na iniimbestigahan. Takot ang pilit na bumabalot sa buong paligid. Hindi ko siya magawang tingnan sa kaniyang mga mata. Bakit ba ako pa ang natatakot dito kung siya naman ang sumira sa sa akin mahigit limang buwan na ang nakakaraan?


"Nga pala, I was picking some food that I would want to eat. Maybe may gusto ka rin. Pumili ka na." Inilapit ko sa kaniya ang hawak kong menu kanina at tiningnan siya. Her eyes are so tired from crying dahil namumula ang mga mata niya. Kita ko rin ang malalaki niyang eye bags kahit na natatakpan ito ng anino ng kaniyang sumbrero. Bigla nalang kumirot ang puso ko sa nakita ko. I didn't expect I'd be this concerned towards her after what she did. 


I should hate her. 

But at this point, I cannot. 


"Hindi naman ako gutom—" Naiiling na sabi niya pero agad ko iyong pinigilan. "I insist. You look tired. I think you haven't eaten anything yet. Sige, ako nalang ang mag-oorder para sa ating dalawa." Sabi ko sa kaniya at saka ibinaling ang tingin sa isang babaeng waiter na malapit sa aming kinauupuan. Balak pa niya akong pigilan pero hindi ko nalang siya pinansin at sinabi sa waiter ang mga pagkain na i-o-order ko para sa amin ni Shiele.


Nang matapos akong mag-order, ay umalis na rin kaagad ang waiter para ihanda na ang mga pagkain. Nakarinig naman ako ng mahinang paghikbi mula kay Shiele. Agad ko siyang tiningan pero nakita ko siyang nakatungo at halos pinipigilang umiyak. Sa kalagayan naming dalawa, parang gusto ko siyang yakapin at damayan sa kaung ano man ang dinadala niya.


"You don't have to do this," Ani Shiele, at saka tumingin sa akin. "You don't have to be this so much kind to me. It makes me," Saglit siyang tumigil dahil bumuhos pa lalo ang kaniyang luha. Miski ako ay napaiyak na sa mga sinasabi niya. Seeing her in that situation makes me want to eradicate the fight we had. Parang gusto ko siyang bumalik sa akin. "It makes me more guilty of what I did."


"I know you're doing this for the sake of kindness, pero, Daria, okay lang na magalit ka sakin. Kung gusto mo akong sampalin ngayon, hindi kita pipigilan. Kung gusto mo akong sabunutan hindi ako aangal. Kasi—" Saglit siyang tumigil at pilit pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya. Ako naman ay hindi na makatingin sa akniya at nananatiling nakatingin sa bintana dahil hindi ko siya kayang tingnan ng ganoon. Hindi ko kayang gawin sa kaniya ang mga gusto niyang gawin ko sa kaniya. Hindi ko kaya.


"Kasi nung umalis ka, n-nung u-umalis ka sa condo ng araw na 'yon, walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko kung bakit ako p-pumatol sa isang lalaking alam kong mahal na mahal ka. H-hindi ko matanggap na wala kang revenge na ginawa sa akin, o kay Daryll. Na para bang okay lang sa 'yo. but I know it wasn't. I know it was harder for you. I know you treated me a traitor. And I am forever okay with that, coz' I know where you're coming from." Sunod-sunod niyang paliwanag sa akin. I bit my lower lip to prevent myself from making sounds. Kung alam lang niya kung paano ako nasasaktan ngayon.


Umalis ako noon na hindi humingi ng paliwanag ni nagpaliwanag sa kanila. Umalis ako noon at nanahimik. Umalis ako kasi alam ko na mahihirapan lang sila kung mananatili ako roon, malapit sa kanila. Umalis ako kasi, 'yon ang tamang gawin noon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After Heartache | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon