Chapter 6

2.3K 74 0
                                    

Elaine's Pov.

"help!" bigla ako napatayo mula sa pagkaka upo dito sa kwarto ng may marinig akong mahihinang sigaw


"ahhhhhh help!" lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit may humihingi ng tulong dito at sino yon? Lumapit ako sa pinto at sinubukan iyon buksan at napangiti agad ako ng mabuksan ko iyon dahil hindi naka lock naka limutan niya siguro.



Napaawang ang labi ko ng paglabas ko ng kwarto ay subrang laki at lawak na hallway ang nakita ko. Lalakad na sana ako papunta sa hagdan ng bigla ko ulit marinig ang sigaw kaya napalingon ako sa kabila dahilan para matuon ang tingin ko sa pulang pinto na nasa pinaka dulo





Ayoko sana puntahan iyon dahil ito na ang chance ko na makatakas sa puder ng isang malamig na Bampira pero parang may kong ano na nagtutulak sakin na pumasok doon kaya naglakad ako palapit doon at dahan dahan na binuksan ang pinto aT pumasok.





At kadiliman ang unang bumungad sa mga mata ko. "Lu-he-nce!" utal at takot na boses ang narinig ko kaya napalingon ako doon at napaawang ang labi sa nakita. Kahit madilim dito sa loob ay nakikita ko parin siya kahit papano dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas na pumapasok sa maliit na bintana





"sinong Luhence?...a-t ano ang nangyari sayo?" gulat na tanong ko at nilapitan siya




Puno ng dugo ang damit niya may mga sugat din siya sa mukha at labi niya at nakatali rin ang dalawa niyang kamay sa pader.




"s-ino k-a?....uma-lis ka na d-ito bag-o ka-pa ni-ya mak-ita at sa-ktan." nahihirapan niyang sabi




"sino ang may—" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay biglang may malakas na pwersa ang humila sakin palayo sa lalaking nakatali




"stay. Away. From. Him." madiin na sabi ni Jasper at nagulat ako dahil naramdaman ko ang subrang lamig ng paligid hindi ito katulad ng lamig na lagi ko nararamdman tuwing magkasama kami.




©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon