Chapter 42

1.3K 41 0
                                    

Elaine's Pov.

Nang mag lunch time na ay sabay kaming lumabas ni Diane ng room namin at pareho kaming nagulat ng makitang naghihintay sa labas si Drake.



"kuya ano ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Diane dahilan para mapalingon samin si Drake at agad na ngumiti ng magtagpo ang mga mata namin kaya agad ako umiwas ng tingin.



"gusto ko lang sana kasi na sabay mag lunch si Elaine.....i mean kayong dalawa." at namumula ang tenga na kumamot siya sa batok niya dahilan para tumawa si diane na parang inaasar ang kapatid dahilan para tignan siya ng masama ni drake.



"wag na kayong mag away dyan dahil nagugutom na ako." reklamo ko kaya naglakad na kami papuntang canteen at saktong dumating ang mga chef at maraming pagkain ang nilagay sa mesa at karamihan doon ay paborito ko.



"chef hindi pa po kami nag oorder." nahihiyang sabi ni Drake.


"para kay elaine talaga yan bigay ng boyfriend niya." nakangiting sabi ni chef at nagpaalam na umalis habang ako ay natulala at bigla napangiti ng maisip ko na baka galing ulit ito kay Jasper.




"para kang baliw dyan elaine! Wag mong sabihin na totoong may boyfriend ka na nga?" hindi mapakapaniwalang tanong ni diane kaya agad ako umiling



"h-indi....wa-la pa akong boyfriend." totoo naman e mate ako ni jasper pero hindi kami.



Napalunok ako ng sariling laway ng bigla kong maramdaman ang mga pamilyar niyang titig na malamig.



"ang sarap iba ang lasa parang hindi luto nina chef." manghang sabi ni diane kaya bigla ako kumain at namula ang pisngi ko habang nakangiti ng maalala kong ganitong ganito ang lasa ng mga luto ni jasper.



At sigurado ako na siya ang nagluto nito.



"baka may lason yan?" bigla ko na samaan ng tingin si drake ng sabihin niya iyon.



"hindi nagluluto ng may lason si jasper." inis na sabi ko at bigla napakagat ng pang ibabang labi dahil sa sinabi ko at halatang nagulat si drake at diane.




©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon