Chapter 34

1.3K 51 0
                                    

Elaine's Pov.

Nang makadating kami sa mall ay agad na kami dumeritso sa watson kong nasaan ang mga gamit na pinapabili ng Mommy ni Drake at diane.

"lipstick muna ang bilhin natin, pero anong klaseng lipstick ba ang ginagamit ng Mom niyo?" tanong ko sakanila ng makapasok kami sa loob


"parang red." sagot ni Drake kaya tumango ako at nagpunta sa lugar kong nasaan ang lipstick kasama syempre si Drake na nakasunod lang sakin dahil si Diane ay bigla nalang umalis at may bibilhin lang daw sa ibang store.


Kumuha ako ng isang red lipstick at bago namin bilhin syempre dapat may shade kaya lumingon ako sakanya na nakatingin lang pala sakin.


"ahm drake kailangan muna natin i try ang lipstick na bibilhin natin for your Mom para malaman kong maganda ba siya or pangit." sabi ko


"sige i try mo na." agad naman ako umiling at binuksan ang lipstick


"sayo ko ita-try." magsasalita pa sana siya para umangal ng agad na ako tumingkayad at nilagyan ng lipstick ang labi niya dahilan para manlaki ang mata niya habang akk naman ay tumawa.


"elaine hindi ako bakla." inis na sabi niya sakin


"alam ko wala naman ako sinasabi ah? At maganda ang lipstick bilhin na natin." natatawa kong sabi

At ang sunod naman namin binili ay ang poweder at iba pa at lahat ng yon ay sakanya ko tina-try kaya wala siyang nagawa kundi hayaan ako hanggang sa matapos kami bumili ay lumabas na kami ng watson at sakto naman ang dating ni Diane na maraming paperbag na dala.


"omg! Kuya anong nangyarinsa mukha mo?" gulat na tanong ni diane habang nakaturo sa itsura ni drake na may make up habang naka busangot siya.


"tanongin mo ang kaibigan mo, siya ang may gawa sakin nito." sabay turo sakin kaya napangiti naman ako at kinagat ang pang ibabang labi para pigilan ang tawa.


©sweetspicyqueen


Napapasobra na ang update ko araw araw hahah.

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon