Chapter 54

1.2K 36 0
                                    

Elaine's Pov.

Tulala ako habang naglalakad sa hallway...it's been 2 days simula ng makita ko ulit si supremo at sabihin niya sakin ang mga bagay na iyon at hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako kung dapat ko ba siya paniwalaan o hindi dahil baka nagsisinungaling lang siya at sinisiraan si Jasper.



"elaaaaaaine!" napaangat ang tingin ko at napangiti ng makita si diane at tumatakbo palapit sakin at nakipag beso


"waaaah! Ang blooming mong buntis." inirapan ko lang siya
Bago kami pumasok sa room namin.


Wala nang iba pang nakakaalam na buntis ako dito sa school maliban sakanila ni drake at sa doctor na tumingin sakin sa clinic.


"im happy for you dahil magkaka baby ka na....pero nalulungkot ako para sa kuya ko." nagtataka ako napalingon kay diane dahil sa huli niyang sinabi


"bakit, ano ba ang nangyari kay drake?" tanong ko kaya malungkot niya ako nginitian at hinawakan ang kamay ko


"elaine....may gusto sayo ang kuya ko, baka nga mahal ka na non eh!" bigla naman ako napaiwas ng tingin sakanya


"so totoo nga na may gusto siya sakin?....pero kailan pa at bakit ngayon mo lang sinabi to sakin?" nilingon ko ulit siya


"umamin na sayo si kuya?" tumango naman ako "matagal ng may nararamdaman for you si kuya, hindi mo pa siya kilala non dahil madalas kita maikwento sakanya tuwing tumatawag siya sakin at doon siya simula nagkagusto sayo....malas lang niya dahil masyado siyang torpe kaya ayan naunahan na siya ng iba." mahabang paliwanag ni diane


"i-im sorry diane... Totoong may gusto noon ako kay drake pero bigla nalang nagbago simula ng makilala ko si jasper." umiling naman siya sakin at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya


"hindi mo kailangan mag sorry, hindi mo naman kasalanan kung bakit nagbago ang nararamdaman mo para sa kuya ko, torpe kasi siya masyadong mabagal kaya naunahan." ngumiti nalang ako at tumingin sa labas ng bintana


Alam ko.....


Balang araw makikilala din ni drake ang babae para sakanya na handa siyang hinatayin para maging handa at mahalin ng higit pa.

Dahil ako?

Para ako sa isang bampira.....kay jasper Luhence Foresteir.

©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon