Chapter 31

1.3K 43 0
                                    

Elaine's Pov.

Nang pumasok kami sa loob ng canteen ni Diane ay agad nagtama ang mga mata namin ni Drake dahilan para manlaki ang mata niya sa gulat bago umiwas ng tingin at sunod sunod na sumubo sa pagkain niya kaya napailing nalang ako bago sumunod kay Diane at umupo sa upuan namin.


"ako na ang bibili ng pagkain natin ganon parin ba ang order mo tulad dati?" tanong niya kaya tumango at umalis na rin siya para pumila sa counter.


Ilang minuto palang ng umalis si Diane ng maramdaman ko ang malalamig na titig na subrang pamilyar sakin kaya napalinga linga ako bigla nagbabaka sakali na makita siya pero kahit anino niya ay hindi ko man lang nakita.



Nangako siya sakin na gabi gabi niya ako pupuntahan sa kwarto pero isang linggo na ako nakabalik saamin pero kahit anino niya ay hindi nagpakita. Hindi ko alam kOng bakit subrang nami-miss ko siya at hinahanal hanap ang malamig niyang presensya. Dapat masaya ako ngayon kasi binalik na niya ako saamin pero hindi ko maiwasan na malungkot tuwing naiisip ko na hindi ko na siya lagi makikita.



Nasanay ako na tuwing gigising ako at bago matutulog ay siya ang nakikita ko, nasay din ako sa mga luto niya sakin na subrang sarap lalo na sa mga sweet gesture niya na hindi man niya ipahalata alam kong sinusubukan niyang maging sweet kung bakit hindi pa ako sigurado.




"may hinahanap ka ba?" bigla ako napalingon kay Diane na hindi ko napansin bumalik na pala.



"w-ala." iling ko at nagsimula ng kumain


"hindi mo man lang ba tatanungin sakin kong may umaaligid sa future boyfriend mo habang wala ka?" biglang tanong ni Diane kaya napaangat ang tingin ko sakanya



Kahit hindi na niya sabihin ang pangalan alam ko na ang kapatid niya ang tinutukoy niya.



"hindi na kailangan." dahil hindi ko na siya crush tulad ng dati. Yan ang sana ang sasabihin ko pero baka magtanong siya kong bakit.




"bakit naman?" gulat na tanong niya



©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon