Chapter 29

1.4K 45 0
                                    

Elaine's Pov.

Bigla ako napabalikwas ng bangon sa gulat ng tumunog ng malakas ang alarm clock ko.


Unang araw ko ngayon sa pagbabalik ko sa school. Balik sa dati ang schedule ko dahil noong nakaraan ay binigay na sakin ni Dean ang kailangan kong sagutan at subrang hirap non mabuti nalang at mahilig ako magbasa kaya nasagutan ko.



Ano kaya magiging reaction ni Diane kapag nagkita ulit kami?


Nang matapos kong maghanda para sa pagpasok ko sa school ay agad na ako bumaba at napangiti ng makita si Papa na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo.



"goodmorning Papa." sabi ko at humalik sa pisngi niya bago umupo at nagdasal muna bago kumain.



"himala hindi ka late?" natatawang sabi ni papa kaya napa pout ako



"syempre excited po ako e, at nakakahiya naman na subrang tagal ko hindi nagpakita tapos male-late pa ako." sabi ko bago nagpatuloy na kumain. Bumalik na rin sa pagta-trabho si Papa sa company namin pero may nagbago hindi tulad noon na lagi siyang over time. Tuwing mag 7 na kasi ng gabi ay umuuwi na si Papa.


Nang matapos ko kumain ay nagpaalam na ako kay Papa at sumakay sa kotse na maghahatid sakin sa school namin. Kinakabahan ako na may halong excitement.



Nang pumasok ako sa university at naglalakad sa hallway ay maraming gulat na makita ako meron din nagbubulongan ng kong ano ano pero hindi ko yon pinansin dahil agad ako pumasok sa classroom namin at doon ko nakita si Diane na tulalang nakatingin sa upuan ko kaya napangiti ako at agad na lumapit sakanya.


"Hi." mahinang sabi ko kaya napalingon siya sakin at agad na nanlaki ang mata niya sa gulat ng makita ako



"Elaine ikaw ba yan?" tumango naman ako kaya agad siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit



"g-ga ka saan ka galing bakit bigla bigla ka nalang nawala? Alam mo ba halos mabaliw ako kakaisip kong nasaan ka? Kahit ang papa mo hindi alam kong saan ka."



©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon