CHAPTER FOUR

30 0 0
                                    

Hindi maalis sa isip ko ang kung ano mang nasa bag ko. Kaya naman natapos ang klase namin ng wala akong naiintindihan kahit isa.

Hindi naman sa pagiging Alien o something out of the world. Hindi lang kasi ako sanay na may nagbibigay ng mga tsokolate at may kasama pang letter na follow sa kung saan.

"Hoy babae, kanina ka pa lutang diyan!" si Ariane na inaayo ang mga gamit at naglagay oa ng mga kung anong kolorete sa mukha.

"May nakita kasi ako kanina, hindi ko lang maisip kung anong ibig sabihin." sumandal ako sa lamesa at hinihintay siyang matapos.

Ariane is beautiful the way she is, natatabunan lang ng pagiging makulit niya. She has a medium long brown hair, katamtaman lang ang kuti niya hindi maputi at hindi rin naman maitim, she has a thick but beautiful eye brows, magandang mga mata katulad ng sa bratz na pinaparesan naman medyo makapal na eye brows, ilong na maliit na nababagay sa kaniyang mukha at ang kaniyang labi na nasa tamang kulay lamang. Kumpara kay Ariane mas matangkad lang ako ng kaonti sa kaniya.

"Maganda kana nga pero kung mag-ayos ka gusto mo sobrang ganda pa." puna ko rito.

"Lei naman! Palibhasa kasi ikaw kahit hindi mag-ayos maganda na, ako medyo lang." kumindat pa ito saakin tsaka nilagay ang mga kolorete pabalik sa pouch niya.

Minsan na rin akong inayusan ni Ariane, 'yun nga lang nakita ni nanay at sinabing para daw akong pokpok diyan sa kanto na naghihintay maambunan ng pera.

Dahil sa sinabi niyang 'yon hindi ko na rin inulit pang mag-ayos o kahit mag lagay manlang noong sinasabi niyang liptint.

Pero sa kabilang banda naman, sumasang ayon saakin si tatay. Sabi niya ayos lang daw 'yon at nagdadalaga na ako, dapat ko raw i'explore ang mga bagay-bagay pero may limitasyon.

Hindi ko alam at hindi ko rin maintindihan na madalas wala silang pinagkakasunduan, dahil madalas hindi sila sumasang-ayon sa isa't isa, lalo na pagdating saakin.

"Tara na kumain baka gutom lang 'yan." kumuha ako ng pera sa wallet ko at binalik ito sa bag bago sumunod kay Ariane. Ayoko kasing doon lang kukuha kapag mag babayad na, mas gusto 'kong nakahanda na ang pera para sakto lamang ang bibilhin ko.

Pumila si Ariane at sumunod naman ako sa likod nito. Habang nakapila narinig nanaman ako ng mga bulong tungkol sa apat na lalake. Kailan ba ito matatapos?

"Mag-uuniform na raw sila bukas!"
"Talaga? Omy!"
"I'm sure bagay sa kanila!"
"Can't wait! huhu"
"And wait girls! Alam niyo ba? May nagugustuhan daw si Kaki!"
"And sino naman?"
"I don't know, walang nakakaalam."

Napairap na lang ako sa hangin, iba talaga ang tsismis may sariling pakpak. Pati tuloy ako nakikinig na hays.

"Set A po ate, adobo at isang yakult po." ang set A ay binubuo ng isang basong kanin at ulam, sa ulam ikaw ang pipili kung anong gusto mo. Set B naman ay dalawang kanin at isang ulam din. Ang set C naman ay tatlong cup ng kanin at isang mangkok naman ang ulam. At ang set D, unli race at unli ulam.

At kung ibabase makikita natin na mas mahal ang set D, 200 pesos iyon at ang set C is 150, set B is 100 at 50 pesos naman ang set A. Hindi ako marami kumain at hindi rin kasiya ang pera ko kaya laging set A ang pinipili ko, samantalang si Ariane naman ay minsan C or D na madalas naming pinaghahatian.

Nang makuha ang yakult dumiretso ako sa upuan kung nasaan si Ariane, andoon ulit ito sa upuan namin simula noong first year. Malapit sa bintana ang pwesto namin para makalanghap ng sariwang hangin at para na rin malayo sa counter na kung saan madalas ang siksikan.

"Ayan nanaman order mo? Lei naman!" umirap ako rito at binaba ang mga dala.

"Para namang bago sa'yo ito. Tsaka nag iipon ako hindi ba?" ani ko bago sinimulan ang pagkain.

The Hidden Pain (unknown series 1)Where stories live. Discover now