CHAPTER TWO

66 3 0
                                    

Album

Hanggang sa matapos ang araw na iyon ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang kakaibabg mukha ng babaeng kasama ni Gian.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa tingin at presensya ng babae kanina.

Bakit ganoon?

"Anak bakit hindi ka pa pumasok sa loob? Malamok dito" si tatay ng makita akong nakaupo sa duyan na siyang lagi naming tambayang mag kakapatid.

"Ah tay may tanong po ako sa inyo" umupo si tatay sa tabi ko at tumingin ng diretso saakin.

Tumikhim ako at tinuloy ang itatanong.

"Bakit po hindi ko kamukha sila Monica at Nica?" nagulat si tatay sa hindi inaasahan tanong pag-tatanong ko. Napahinto saglit si tatay at napaiwas ng tingin.

"Paano mo naman nasabi anak? E pare-parehas nga kayong magaganda" hinawakan ni tatay ang tuktok ng ulo ko.

Ang layo ng sagot ni tatay sa inaasahan kong sagot na makukuha ko. Napabuntong hininga ako.

Siguro ng wala lang 'yon, sabi nga nila may pito tayong kamukha sa buong mundo. Siguro 'yun na 'yung isa kong kamukha.

Dumaan ang ilang araw at nagsimula na ang balik eskwela. At ganoon pa rin, karamihan sa mga kaklase ko noong nakaraang taon ay kaklase ko pa rin ngayon.

"Alam mo ba nagtransfer dito 'yung jowa ni Gian?" napabaling ang tingin ko kay Ariane hindi dahil binanggit niya si Gian, kung hindi dahil sa pagtransfer ng jowa raw ni Gian.

Bakit?

Bakit niya kailangan mag transfer dito kung tutuusin ay mas maganda pa sa Manila.

"Bakit kaya? Hindi ba mukhang mas maganda naman sa Manila kumpara dito sa probinsiya?" napako ang tingin ko sa babaeng pababa sa isang mamahaling sasakyan.

Napatingin din ito saakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin tsaka hinila si Ariane palayo sa lugar na iyon.

Sa loob ng tatlong taon kong pag-aaral sa school na ito wala akong masyadong naging kaibigan, kung meron 'man kaklase o kaya ay kagrupo sa mga gawain.

Hindi ako gano'n kagaling makipagkaibigan, nahihiya akong unang makipag-usap. Kaya naman hanggang sa ngayon si Ariane lang ang pinaka naging kaibigan ko.

"Hoy, andiyan na si prof"' sabi ng isa sa mga kaklase ko.

Pumasok ang isang lalaki medyo may katandaan na. May hawak itong libro at isang envelop.

"Okay, magandang umaga. Since karamihan sa inyo ay magkakasama na since first year hindi niyo na kailangan magpakilala pa." tinignan kami isa-isa ni sir at tsaka niya inalabas ang isang papel galing sa loob ng envelop.

"Tatawagin ko kayo isa-isa, tapos tumayo kayo para makilala ko." sinuot niya ang kaniyang salamin at tsaka sinilulang magtawag ng pangalan.

"Guzman, Vien Leigh?" tumayo ako ng marinig kong tinawag na ang aking pangalan.

Nagtaas ng kilay si sir saakin at tumango-tango.

"Next. Lopez, Maria Anne?" umupo na ako ng tawagin ni sir si Arianne.

Tumagal ng halos sampong minuto ang ginawang pagtawag ni sir saamin.

"Now, alam niyo naman na siguro ang mga patakaran hindi ba? At alam niyo na rin kung saan umiikot ang pagkuha ng grado. Huling taon niyo na, good luck sa inyong la-" hindi na ituloy ni sir ang sasabihin ng pumasok ang dean ng aming paaralan.

The Hidden Pain (unknown series 1)Where stories live. Discover now