CHAPTER 6

42 2 0
                                    

You're not

Matapos maayos ang groupings, inaasahan ng Prof namin na makakagawa kami ng isang project na maipepresent namin before finals. Nag-assign din ito ng mga topics na dapat namin ireport sa subject niya. And bilang nursing student, karamihan doon ay about sa tao.

Nasundan pa ng iba't-ibang gawain ng pumasok ang Prof namin sa bawat oras. Dalawang linggo pa lang kaming nagsisimula pero ang mga gawain sandamakmak na. Feeling ko tuloy sobrang nakakadrain ang taon na ito para saaming lahat.

"Lunch?" lumingon ako ng tumayo sa gilid ng upuan ko si Karl.

Binigyan ko siya ng 'Ha?' look. Nakakapagtaka naman kung ako ang inaaya nito dahil hindi naman kami close.

"Sabi ko tara lunch? Since mag kagroup tayo sa isang subject dapat maging komportable tayo, dapat nga bff pa e..." tumawa ito kahit wala namang nakakatawa.

"Kasabay ko si Ariane, tsaka 'di ba may kaibigan ka naman?" parang naoffend ito sa sinabi ko.

"Alam mo kasi Vien, nakakasawa sila kasama. Ikaw ang aking new friend!" kumindat ito at ngumiti saakin.

"Sige, ayos lang naman saakin. Si Ariane tanungin mo kung gusto ka niya kasab—"

"Of course my dear bff!!" naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang sumingit 'tong si Ariane. Naglahat ito ng kamay at pinakilala ang sarili.

"Hey, I'm Maria Anne Lopez but you cam call me mine..." natawa ako ng hindi iyon pansinin ni Karl at binigyan lang siya ng nagtatakang tingin.

"Ito nanaman! Kaibigan ako ni Lei, hmp!"

"Ah so ikaw 'yung Ariane?" tumango lang si Ariane bilang sagot.

"Tara na?" bago kami pumunta ng canteen kinuha ko muna ang tumbler ko at sumunod na mag lakad sa kanila.

Pagkalabas pa lang ng classroom pansin ko na agad ang tingin ng mga tao saamin. Alam ko naman iyon, dahil noong nakaraan napansin 'kong marami ang nagkakagusto sa kaniya o sa kanilang apat.

Halos mga kababaihan ang nasa labas ng corridor at hinihintay siyang dumaan na animo'y nag papapansin.

Hindi ko naman maitatanggi na guwapo nga ito, pero napansin 'kong kay pagkaisip bata rin pala siya. Hindi siya ganoon ka matured tulad ng inaasahan ko. Parang chill lang sa buhay, walang iniisip na problema.

"Pila na kayo, kukuha lang ako ng tubig.." lumayo ako sa kanilang dalawa ngunit sumunod itong si Karl saakin.

"Anong ginagawa mo?"

"Ay Karl, nag sasalin ng tubig. Piso lang puno na agad 'Yung tumbler kesa naman bumili pa ng nakabottle 15 pesos 'yon.." paliwanag ko rito.

"Karl amp! Kaki na lang." sa lahat ng sinabi ko 'yun lang naintindihan niya? Okay, Kaki.

"Pumila kana ro'n.." sumunod siya sa likod ni Ariane.

Pumila rin ako pero dahil lunch time nga, marami ang nakapila at medyo maraming studyante ang sumisiksik. Malapit na ako sa pila ng hinila ako ni Ariane.

"Huwag ka ng pumila, nilibre tayo ng bff mo." ngumisi ito saakin at hinila papunta sa pwesto kung nasaan nakaupo si Kaki.

Naabutan ko sa lamesa ang halos pitong ulam at maraming kanin. Seriously?

"Dahil may bago akong kaibigan, ililibre ko kayo!" ngumiti ito ng malawak na parang proud na proud sa ginawa niya. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga mahihinang bulong ng mga kakabaihan.

Umupo naman ako sa harap ni Kaki at mahina ring bumulong.

"Kaki, ang dami nito. Ang dami tuloy nakatingin.." hindi ako sanay sa ganoon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hidden Pain (unknown series 1)Where stories live. Discover now