CHAPTER ONE

99 2 0
                                    

Meet

Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang pananaw sa buhay, iba ang mga nakikita mo sa nakikita ko.

Iisipin mong maganda iyon sa paningin ngunit sa aking paningin ay hindi. Na ang isang bagay ay tama kahit hindi naman.

Sabi nga ng iba life is unfair, bakit 'yung iba ganito siya ganito lang. Doon tumalima saaking isipan na kahit anong meron ka kahit kailan ay hindi ka makukuntento.

"Senyorita bumangon kana po, napakarami mo ng labahin don at wala pang almusal" ito ang bungad ni nanay agad saakin.

"Opo nay" tumango pa ako tsaka inayos ang pinaghigaan.

Dumiretso ako sa kusina at nakita kong wala pa ngang almusal, talagang hinintay nila ako para ipagluto sila.

Nagluto ako ng itlog at tuyo, tsaka ako nag sangag. 'Yun ang madalas na kinakain namin, dahil hindi kumakasiya ang perang meron si tatay.

Nang matapos ko ang niluluto tsaka ko sila tinawag.

"Salamat sa almusal anak" si tatay iyon, siya lang ang nag-iisang gumawa ng mga ganoon saakin. Nagpapasalamat sa maliliit na bagay.

"Sus Arturo parang yan lang" umirap pa si nanay saakin tsaka umupo sa harap ko.

Dumating naman ang dalawa kong kapatid, si Monica at ang bunsong si Rica.

"Nga pala anak Lei, pwede ka ng mag-enroll" napabaling ako kay tatay ng sabihin niya ito, ang sabi kasi niya noong nakaraang linggo ay walang pera para maituloy ko ang kurso ko.

"Talaga po tay?" masayang tanong ko.

"Aba naman Arturo mag-aaral pa yan? E mag-aasawa lang din naman yang isang yan" doon dahan-dahan nawala ang ngiti ko.

"Labas kana roon Teresa, ako naman ang magpapaaral at hindi ikaw" doon tumahimik si nanay at umirap nanaman saakin.

"O siya tapusin mo na ang pagkin mo ng makapunta kana sa eskwelehan para makapag-enroll kana" tumango ako kay tatay at ngumiti ng matamis.

Ganiyan ang kadalasang eksena sa bahay, si nanay na laging galit kahit wala akong ginagawang masama, si tatay na aking tagapagtanggol.

Hindi ko alam ang meron saakin kung bakit lging ganoon ang pakikitungo ni nanay, parang hindi niya ako totoong anak.

Umiling ako sa aking naiisip.

Anak nila ako, hindi ko sila kailangang pag-isipan ng kahit na ano lalo na si tatay na walang ibang ginawa kundi mahalin at alagaan ako.

Nang makarating sa eskwelahan ay nakita ko ang ilan kong mga kaklase noong nakaraang taon.

"Lei!!!" matining na boses ni Ariane ang bumungad saakin ng makababa ako ng tricycle.

Lumapit ako sa kaniya at nginitian siya ng matamis.

"Akala ko hindi kana talaga mag-aaral! Bwisit talaga yang na-" tinakpan ko ang bibig niya at tinignan siya ng masama.

"Ang ingay mo talaga, 'wag ka ngang maingay" sabi ko sa kaniya tsaka binababa ang kamay kong galing ng bibig niya.

"Totoo naman kasi! Alam mo Lei kapag laging ganiyan iisipin ko talaga hindi ko nanay yan! Sa itsura pa lang kalayo na! Hindi mo pa kamukha nga kaptid mo!" umirap pa ito saakin.

Napansin ko rin iyon, tusing magkaksama kami napagkakamalan pa akong may lahi. Ay kulay ng aking mata ay kayumanggi na may pagkadilaw, ang aking buhok naman ay nag-aagawan sa kulay ng kayumanggi at itim maypagkakulot din ang mga ito, idagdag pa ang kulay ng aking balat hindi maputi at hindi rin maitim. Iyan ang mga kadalasang napapansin ng mga taong tumitingin saakin.

The Hidden Pain (unknown series 1)Where stories live. Discover now