CHAPTER THREE

40 0 0
                                    

Follow

Dumaan ang mga linggo at napansin kong hindi madalas pumupunta si Gian dito, ang huli yata ay noong pasukan pa.

Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanila dahil una sa lahat hindi naman ako interesado.

"Iniisip mo nanaman?" napabaling ako kay Ariane ng bigla niyang inilapag ang cellphone niya sa harapan ko.

"Naiinis ako! Hindi manlang mag reply" tinaas ko ang isang kilay ko sa kaniya bilang pagtatanong.

Sino naman kaya ang tinutukoy ng isang 'to?

Kukunin ko na sana ang cellphone niya ng bigla niya itong hablutin at ilagay sa loob ng bulsa niya.

"Alam mo Lei? Nagugutom ako, oo nagugutom ako". dali-daling kinuha ni Ariane ang bag naming dalawa tsaka ako hinila papunta sa gate kung saan maraming turo-turong pagkain.

Inagaw ko ang bag ko kay Ariane at tsaka ko nilagay ang dalawa kong braso sa harap ng dibdib ko.

"Hm?" naniningkit na mata kong tanong dito.

"Meron kang hindi sinasabi saakin" humarap ito saakin at mabilis na umiling.

"Wala, wala. Ikaw naman Lei napakamo!" tumawa pa ito.

Umiling ako rito at inaral ang mga galaw niya, kilala ko 'tong isang 'to. Alam ko kung kailan siya nag sasabi ng totoo at kung kailan hindi.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil ito sa pg tawa at hinila ako pabalik sa pinag-upuan namin kanina.

"'Wag ka magagalit Lei ha? Si Alyssa kasi" napalingon ako sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ng babaeng iyon.

Paano ba naman kasi noong nakaraan ay kinausap ako nito at sinabing hinihingi raw ni Gian ang numero ko.

Hindi ko binigay dahil wala naman, si nanay at tatay lang ang merong cellphone saamin. Kaya kung may kailanagn itext kailangan munang hiramin ang cellphone nila nanay.

"Bakit?" mahinang tanong ko.

"Ilalakad ka raw niya sa kapatid ni Gian" ramdam ko ang paglaki ng mga mata ko. Ilalakad?

Ayoko.

"Hindi, bawal pa ako sa ganiyan"

"Bawal ba talaga o ayaw mo lang kay Gene?" napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko pa nakikita ang kapatid ni Gian pero alam kong gwapo ito dahil gwapo rin naman ang kuya niya.

"Magagalit si nanay at tatay, Ariane ano ka ba" umiiling iling pang tugon ko rito.

"Kaya nga magpapaalam daw" doon niya na naagaw ang buong atensyon ko.

Hindi pwede.

Ayaw ni nanay na magkaroon ako ng nobyo dahil sagabal daw ito sa aking pag-aaral, at wala raw akong mapapala roon.

Umiling ako ng maalala ang sumubok na manligaw saakin, galing iyon sa kabilang bayan. Matangkad, gwapo at matalino rin. Pero ayaw ni nanay. Wala siyang sinabing dahilan basta raw ayaw niya dahil ayaw niya.

"Hindi pwede magagalit si nanay saakin at ayaw kong mangyari 'yon"

"Bakit siya ba ang jojowain?" umirap pa ito saakin.

Napamaang ako sa naging sagot nito, naiintindihan ko siya at naiintindihan ko rin naman si nanay. Pero hindi ko lang talaga priority ang mga ganoong bagay sa panahon ngayon. Siguro sa susunod na mga taon, oo.

"Tumigil kana nga, sabihan mo siya na hindi pwede. At kahit kailan hindi magiging pwede. Naiintindihan mo ba ak-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makarinig ako ng mabilis na andar ng motor galing sa labas ng school.

The Hidden Pain (unknown series 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ