CHAPTER FIVE

35 1 0
                                    

Truth or Lie

Sa totoo lang? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa puntong iyon. Sino si Leigh? Ako ba? At sino si Faye?

Ang pagkakatanda kong sinabi ni tatay saakin ni tatay noon mas maganda kung tatawagin ako sa pangalang Leigh, mas madaling makikilala at madaling tandaan. Ano ang gustong ipahiwatig ni tatay roon?

Kailangan ko ng kasagutan. Kailangan kong malaman kung sino ba 'tong mga taong 'to. At bakit ayaw ni tatay na pinapakealaman 'to noon?

Napabuntong hininga na lang ako sa mga tanong na nabubuo sa isip ko.

"Asan ang mga gamit do'n? Teresa!" narinig ko ang sigaw ni tatay. Teka, umuwi siya?

"Ano? Hinahanap mo ba? Ano pa bang halaga ng mga iyon Arturo?" si nanay iyon.

"Labas kana ro'n—"

"Anong labas? Arturo asawa mo ako tapos ganiyan ang mga sinasabi mo?!"

"Ibigay mo na lang 'yung mga gamit." kalmado ang tinig ni tatay.

"At bakit? Para paulit-ulit mong balikan?" tumatawa-tawa pa si nanay. "Jusko naman Arturo, ang tanda mo na para lumandi at balikan ang nakaraan."

"'Yan talaga ang iniisip mo Teresa? Kasi ako tapos na ako sa mga ganiyang bagay. Wala na akong interes."

"Talaga ba? Kasi kung wala bakit mo itatago ng matagal ang mga 'yon?!"

"Hindi para saakin...."

"Para kanino ha? Kanino?!"

"Kay Lei..."

Nagtago ako sa likod ng pinto ng marinig ang pangalan ko. Tungkol saakin ang mga 'yon? At 'yung mga tanong sa isip ko kanina maari ng masagot?

"Jusko! Si Lei nanamam! Puro si Lei! Arturo may ibang anak ka pa!" singhal ni nanay.

"Alam ko 'yon at hindi ko kinakalimutan! Pero iba si Lei! Alam mo 'yon!"

"Alam 'kong iba siya kasi nga hindi ko siya anak!" malakas na sigaw ni nanay na nagpayanig ng mundo ko.

Kaya ba gano'n na lang ang trato niya saakin? Ganoon na lang kadali sa kaniya na mag bitaw ngmga masasakit na salita saakin? Kaya ba kahit durog na durog na ako parang wala lang sa kaniya? Kaya ba kahit anong gawin kong sakripisyo at tiyaga wala lang sa kaniya ksi hindi niya ako anak?

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, kasabay nito ay ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ako umiiyak sa harap nino 'man dahil ayaw kong nakikita nila akong mahina.

Malakas ako e, at 'yon 'yung akala ko.

"Hindi mo siya anak at kahit kailan hindi mo ipinaramdam. Kailangan ba ganiyan ka katigas sa kaniya?" si tatay na medyo kalmado.

"Oo!!"

"Sige, bigyan mo ako ng sapat at konkretong dahilan!"

"Gusto mo?! Kasi siya lang naman ang anak ng dati 'kong kaibigan na halos pagsilbihan natin pero parang nawala na parang bula!" naramdaman ko ang pakatigil ng paghinga ko.

"At ano pa ha? Binigay siya sa'yo ng sarili niyang ama para ano?! Para ano?!!!!" tuloy-tuloy ang naging pagluha ko sa narinig.

Hindi ko tunay na ama si tatay. Hindi ako anak ni nanay. Hindi nila ako anak...

"Kinuha ko siya para iligtas sa mga gustong manakit sa pamilya nila! Teresa hindi mo naiintindihan kasi sarado ang isip mo!"

Hindi ko na alam ang sunod na nangyare dahil nagdilim na ang paningin ko.

The Hidden Pain (unknown series 1)Where stories live. Discover now