Chapter Twenty-One

915 50 2
                                    

The day that we finally get to see each other came by so fast and even though I kept pretending that everything would be fine, a part of me still trembled at the possibility that I might see Ryle and Inesa being so close together, and I don't know if I could take it, the more I think about it, the more I dread that I might suddenly kneel in front of Ryle and beg him to come back to my life, the way I often begged for my previous men. Ayokong magmukhang kaawa-awa pero grabe talaga iyong pananabik kong maranasan uli ang mga madalas naming gawin. Sobrang nangulila ako sa kanya at kung hindi lang ako sinamahan ni Zyion sa apartment ko noong bakasyon, hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang bumangon.

Sinadya kong magpa-late muli dahil kung aagahan ko'y natitiyak kong mapipilitan kaming mag-usap, e sa pagpili niyang iwasan ako noong bakasyon, hindi ko alam kung makakaya ba ng sarili kong magkunwaring parang walang nangyaring masama sa pagitan namin. Pakiramdam ko'y ikalalason pa ng looban ko ang magkunwaring masaya para sa kanya.

Pagkabukas ko ng pintuan ng classroom, siya agad ang una kong napansin sa front row at kahit man nakatingin siya sa direksyon ko, na parang nag-aabang na tumingin din ako pabalik o parang naghihintay siya ng kahit katiting na senyales ng pangungumusta galing sa akin, hindi ko siya pinagbigyan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad gaya ng madalas kong gawin noon, na parang may sariling mundo. Mabuti na nga lang din at naka-earphones ako at may sapat akong dahilan para iwasan akong batiin ng mga kaklase ko.

Si Inesa ay hindi na sa tabi ko umupo kundi sa kabilang side, isang row ang layo mula sa akin, na siyang orihinal talaga niyang pwesto. Pinakiusapan na ba siya ng orihinal kong katabi na magpalit na silang muli? Hindi ko alam. At mukhang hindi ko na rin dapat pang alamin. Ayoko nang gaano pang ma-link sa kanila.

It went on like this for weeks. Wala masyadong daldalan na parang busy talaga ang lahat sa school stuff. Si Ella lang itong paminsan-minsang nagiging tulay namin. Noong minsang napalabas kami nang sobrang aga, mga ala-una pa lang ng hapon, isa-isa niya kaming pinilit na samahan siya sa mall dahil kating-kati na raw siyang gumala at manood ng pelikula.

Gusto ko sanang tumanggi kaso kahit gustuhin ko man, wala rin akong nagawa dahil si Ella ito e, talagang iisip siya ng paraan para lang samahan namin siya.

It was so awkward. I could sense that both of us were trying hard to start a conversation but it was hard, really really hard. Umabot na nga sa puntong napansin ni Ella ang pagiging tahimik naming dalawa at pinilit kami na magsalita. At para na rin siguro hindi na lalo pang mapansin ng ilan ang hindi namin pag-uusap, nilapitan niya ako at nagtanong, "Anong gusto mong orderin ko sa iyo, Conan?" sabi niya nang siya na ang nagkusang kumuha ng mga orders namin. Several weeks had passed between us with no dialogue or whatsoever and that was the first words I would hear from him. Wow.

"One piece fried chicken na lang tapos coke, regular. Thank you!"

Hindi ko alam kung maaasar din ba siya na iyon lang din ang pinakaunang katagang maririnig niya sa akin sa loob ng matagal na panahon, pero wala na kami sa sitwasyon na kailangan pa naming maging romantic sa isa't isa. Tapos na iyon. Alam kong dapat maging masaya na lang ako na hindi kami umabot sa isang malaking iskandalo.

Nang matapos na ang pelikulang pinanood namin at nagbabadya na ang kagustuhan naming umuwi, isang text mula kay Zyion ang natanggap ko. 'Asan ka?' saad ng text. Papalabas na kami ng mall noong sandaling iyon at kinailangan ko pang magpahuli ng lakad huwag lang nilang mapansin na may ka-text ako.

Ilang beses din kaming nagkausap ni Zyion noong Christmas break at may mga pagkakataon din na nagiging magka-text kaming dalawa kaya hindi na katakataka ang paghahanap niya sa akin. Nagsabi rin siya na kapag libre siya, aayain niya akong sabay kaming umuwi dahil parehas lang din naman kami ng daraanan. Siguro'y katatapos lang ng kanilang basketball practice at nagtaka siya na wala na agad tao sa classroom namin, kaya heto at bigla siyang napa-message.

Kinwento ko sa kanya na nasa mall ako at ilang sandali ay papauwi na rin. At nang masabi ko sa kanya iyon, isang text agad ang dumating. 'Dala ko ang motor ko ngayon. Puntahan na lang kita,' saad sa kanyang text.

Kung tutuusin, pare-parehas na kaming magkakaibigan na nag-aabang ng masasakyan. Kasama namin ang ilang kumpol ng mga tao sa gilid ng kalsada at pawang nakasilip sa mga karatula ng mga paparating. Isang jeep pa-España ang tinuro ni Chris sabay kalabit sa akin dahil iyon na ang madalas kong sakyan pauwi, kaso umiling ako, ang sabi ko, "May hinihintay lang ako."

Na siyang agad nakapagpa-react kay Ella, "Aba?! Boyfriend ba?"

"Baliw, hindi." How I wish!

Ayokong mapatingin sa direksyon ni Ryle dahil dama ko ang tulis ng tingin niya sa akin, na parang pursigido rin siyang malaman ang tungkol sa bagay na iyon, ayaw lang niyang magsalita. Pero bakit? Akala ko ba wala na siyang pakialam pa sa akin? Kaya bakit?

"Dali na, Conan, sabihin mo na," hirit naman ni Inesa na may paghila pa sa braso ko.

Siraulo talaga itong mga ito. Bakit sa Pinas, kapag sinabi lang na, may hinihintay lang ako, ang una agad nilang iisipin ay jowa? Hindi ba pwedeng kaibigan lang o kamag-anak iyong darating? Nagsisisi tuloy ako na sinabi ko iyong bagay na iyon sa kanila. Dapat pala nagsabi na lang ako na may nakalimutan akong bilhin sa mall para makatakas na ako at nang hindi na nila malaman pa ang bagay na iyon.

But deep inside, I was thrilled at the thought of them getting curious on me, especially Ryle. I wondered what he thought about it. Had he somehow regretted his decision of letting go of me? Magselos kaya siya kung sakaling makita niya ako na umaangkas sa motor na pagmamay-ari ng isang bruskong lalaki?

At first I was relieved when I remembered Zyion would show up wearing a helmet. Hindi rin naman ako mahihirapan na alamin kung siya na ba ang paparating dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na inangkas niya ako. Kilala ko na agad ang hubog niya, pati na rin ang hitsura ng motor niya. But when he did show up, I panicked when I saw him pull the face shield of his helmet. Nagawa tuloy makita ng mga kasama ko ang mga mata niya.

Nang marinig ko si Ella na mapatanong sa sarili kung si Zyion ba iyon, humakbang na agad ako para magpaalam sa kanila, kaysa maipit pa ako sa isa muling pag-iinteroga sa akin kung bakit ako pinasyang ihatid ni Zyion, at kung ano bang koneksyon namin, at kung ano bang nangyari at bigla-bigla kaming nag-i-interact?

Nagmadali ako sa pagsuot ng helmet na inabot ni Zyion sa akin sabay angkas sa kanyang likuran. Kumaway na lang ako sa mga kaibigan ko nang makaalis na kami at pilit na ininda ang tulalang tingin na ibinibigay ni Ryle sa akin.

His Plastic DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon