5

142 4 0
                                    

"Oh, kasya pa lima! Kasya pa lima!" sabi ng tsuper ng jeep na nasakyan ni Conan, isang araw matapos niyang gabihin sa school dahil sa trabaho.

Magrereklamo sana siya, kaya lang, pinangunahan siya ng hiya at kawalan ng lakas para umapila pa. Halos siksikan na kasi sila sa loob, at hindi niya lubos maintindihan kung bakit nag-aangkat pa ito ng pasahero. But Conan couldn't completely fool himself. He knew the root of it. Kung bakit hindi siya makapagreklamo at kung bakit tila na-drain bigla ang energy niya sa katawan. It was because of two gays being publicly affectionate in front of him.

Hindi naman siya salungat doon. Sa totoo pa nga niyan, nginitian niya ang mga ito nang mapatingin sila sa gawi niya. Sadyang hindi lang talaga niya maiwasang mainggit at mapatanong. Kailan kaya niya mararanasan ang ganoon? A kind of love which doesn't need to hide. A love which doesn't need to be embarrassed about.

Conan decided to shut his eyes, pretending he was asleep. Masyadong mahaba ang trapik para panatilihin niyang mulat ang mga mata. Ayaw rin naman niyang mababad ang mga ito sa usok. Isa pa, gusto niyang iwasan ang dalawang love bird na lantarang ipinamumukha sa harap niya ang kanyang greatest dream and insecurity.

But he hasn't got the faintest idea that it would only lead him to the past, reminiscing its agony.


~ ~ ~

Looking back on the days when Conan met Jestoni, he never really thought they'd be in a relationship. Parehas kasi silang tahimik. Isa pa, hindi niya gusto ang pag-uugaling ipinakikita ni Jestoni noon; para kasi itong robot na sumusunod lang sa kung ano'ng iuutos dito.

Magkatrabaho sila noon sa grocery noong summer ng 2016. Parehas silang stock clerk. Buhat dito, buhat doon. Refill dito, refill doon. Madalas silang magkasalubong sa daan. Madalas ding naiiwang magkasama sa isang aisle, o kaya naman ay naa-assign sa magkabilaang shelf. But even though they were in the same place, wala sa record history ng utak ni Conan na nagkaroon sila ng maayos na usapan.

Conan could still recall their first exchange of words, isang buwan matapos nilang maging magkatrabaho. Nagkasipon kasi siya noon, gawa na rin ng palipat-lipat nila ng station. Stock room, grocery, unloading; mainit, malamig, mainit, malamig. Nakatoka silang dalawa noon sa pagbubuhat ng mga bagong stock ng de-lata, at nang dahil sa sunod-sunod na pagsinghot ni Conan ay napatingin sa kanya si Jestoni.

"Um-absent ka na lang kaya muna?"

May ilang sandali pang natulala si Conan dahil unang beses niyang narinig ang boses nitong nakatuon sa kanya. "'Di na, kaya ko naman."

Conan expected Jestoni would insist, pero pinanood lang siya nito ng ilang segundo pa bago tuluyang bumalik sa sariling gawain. Nagkibit-balikat lang si Conan. Naisip niyang baka hanggang doon lang ang limit ng kaya nitong sabihin. Subalit nang akmang yuyuko na siya para buhatin ang tatlong box ng brand na nakatoka sa kanya, sumingit bigla si Jestoni at inagaw iyon.

"Ako na."

Akmang bubuka ang bibig niya dahil sa pagprotesta, ngunit hindi niya nagawa. Conan knew his name. He wanted to call him out para pigilan. Pero hindi kasi siya sanay makipag-usap sa mga taong hindi niya ka-close; ni hindi nga siya komportableng kinakausap siya nito sa oras ng trabaho.

"I-sort mo na lang iyong mga nandoon," pagnguso ni Jestoni sa cart ng mga overstock.

"Sure ka?" Benteng mabibigat na kahon pa kasi ang kailangang i-unload sa truck. Masyado pa namang mabibigat iyon.

Ang buong akala niya, magrereklamo ito o kaya naman, ibabalik niya ang mga kahon sa sahig at hahayaan na lang siya nitong magbuhat. In the first place naman, that was his line of work. Hindi nito obligasyong tulungan siya. But Jestoni did something for the very first time.

His Plastic DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon