New Release!

929 9 0
                                    

#vashares
Ang My Immortal shorts ay serial short stories na may five releases:
1. Heneral X
2. Sound of Danger
2. Scent of Blood
4. Taste of Death
5. Touch of Dawn

Nasa pang fourth na ang new release. Para sa mga new readers ng shorts, wala nang pang fifth. Last na ang fourth. Ang Touch of Dawn, included na sa release ng full ebook version. Sa mga nag-avail ng 1-4 shorts na di nagtanong, di nag-doubt---thank you soooo much! ❤

Hindi n'yo alam, sobrang laking help na naramdaman ko kayo. Since nong nag-start ang pandemic last year, nawala talaga ang motivation ko. Ang hirap humugot ng inspirasyon sa mundong walang kasiguraduhan. I thought, matatapos agad. Pero hanggang ngayon, nasa same ground pa rin tayo. Ang sad pero kailangan nating mag-move forward. Small steps helped a lot--ang My Immortal shorts ang small step ko.

Again, maraming salamat sa support, readers. Sobrang na-appreciate ko. Kayo talaga ang reason kung bakit hinugot ko pa sa baul ng reserve energy (hahaha!) ang drive at motivation ko para ma-meet ang promised deadline. Salamat. Salamat!

After this post, nasa Touch of Dawn na ako. Ang full ebook version, FREE na sa mga nag-avail ng 1-4 shorts plus an inspiring short story.

Same lang ba ng 1-4 shorts ang full ebook version?

Nope. Aside sa included na ang Touch of Dawn, may maiiba pa. May dagdag na mga scene, may dagdag #reveal. Ang mag-stay lang talaga as is--ang plot. Hindi rin ito 👇ang official cover.

May ire-reveal pa ako soon. Pag pinopost ko kasi nang mas maaga, di natatapos. May sumpa yata tong wall ko. 😁

For now, sa 4th shorts muna tayo. Get your copy here: 👇

MY IMMORTAL 4: TASTE OF DEATH

Kasabay ng kakaibang nararamdaman ni Xantha para kay Heneral X, ang kutob niyang ang dami pang mangyayari. Lahat silang mga mortal na involve sa Dimur, mapapahamak. Lalo na siyang natakot nang ma-confirm ni Carmelle na nawawala na rin ang stepsister nito.

Hindi na lang si Lulu ang nawawala!

Si Xantha ang iniisip ni Carmelle na next target ng faceless enemy. Sa moment na magkausap sila habang papunta si Carmelle sa bahay ni Xantha, narinig niyang parang may aksidenteng nangyari.
Ang hindi alam ni Xantha, may dumating sa lugar para tumulong, para ligtas na makarating ang kaibigan sa bahay niya. Pero hindi si Carmelle ang kumatok sa pinto pagkatapos ng aksidente—ang mortal na ayon kay Heneral X, may kakayahang buksan ang portal.

Ang mortal na magdudugtong sa dalawang mundo.

Sino ito?

Click here to buy:
https://payhip.com/b/z8wW

FOR GCASH/PAYMAYA AND OTHER MODES OF PAYMENT, KINDLY SEND A MESSAGE FOR DETAILS.

AVAILABLE eBOOKS and #VASHORTS

MY IMMORTAL 3
https://payhip.com/b/9fCH

Naisip ni Xantha, wala naman siyang ibang choice kundi magtiwala kay Heneral X. Wala siyang magagawa para kay Lulu kung hindi siya tutulungan ng unwanted visitor na nag-appear na lang sa buhay at sa bahay niya.
Akala niya, magiging madali ang lahat kung pipiliin niyang magtiwala. Hindi pala. Wala nang ibang ginawa si Heneral X kundi mag-stay sa isang spot sa bahay niya at magpanggap na dark statue. Pero bakit sa mga ganoong moment, feeling ni Xantha ay may paulit-ulit na ginagawa ang heneral?
Ang titigan siya.
At affected si Xantha. Hindi lang iyon, may nararamdaman din siyang warmth sa puso na hindi niya ma-explain. Masarap sanang mag-skip sa reality at bumuo ng fantasy—na okay ang lahat, na puwede naman siyang mag-enjoy sa journey.
Pero ang b*tch lang ng reality, sinampal agad siya ng fact—na hindi siya safe. At hindi na magbabalik sa dati ang buhay niya mula nang dumating si Heneral X...

#VAeBooks and #vashorts
👇
MY IMMORTAL 2
https://payhip.com/b/BwbH
https://ko-fi.com/s/cc6b8ecd6a

Ang unexpected twist sa life story ni Xantha, hindi niya gusto. Kung sa mga unang araw ay isip lang niya ang magulo, nang mga sumunod pa, para na siyang hostage ng sitwasyong hindi niya napaghandaan. Mas naging nakakatakot ang mga sumunod niyang nalaman—may ibang mundong nage-exist na madilim at mapanganib.
  Proof?
Si Heneral X, na nagpakilalang ‘Heneral ng Silangan’. Tumawid ito para sa misyon na kailangang tapusin. Hindi naman niya misyon kaya wala dapat pakialam si Xantha.  Pero may nangyari—nawala bigla ang friend niyang si Lulu. Ang pasabog ng unwanted visitor, siya raw mismo ang nagdala sa kaibigan sa bagong mundo.
Para mailigtas si Lulu, may hininging kapalit ng tulong si Heneral X—ang buhay ni Xantha.
Yanig ang kanyang mundo.
Sino ang ililigtas niya: Ang sarili o si Lulu?

MY IMMORTAL 1
https://ko-fi.com/s/bc7d1f639e
https://payhip.com/b/YvWM
Twilight. Rain. Mysterious man.
Maiisip mo bang babaguhin ng mga 'to ang buhay mo?
Hindi 'di ba?
Pero ang buhay ni Xantha Lorenzo, biglang nagbago.
Nakakatakot na pagbabago...

#VAebooks
MUMU'S MAN 👇
https://payhip.com/b/xvnO
https://ko-fi.com/s/121d803b02

MEMORIES  👇
https://payhip.com/b/g3e5
https://ko-fi.com/s/2d8ace1bbc

Thank you and stay safe! 💕

Thank you and stay safe! 💕

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Zeus--PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon