One

11.9K 315 7
                                    

2004. Summer. Pulosa

"ANG tagal naman, gutom na ako..."

Palakad-lakad si Ingrid sa balkonahe ng bahay ng Tiyo Monching at Tiya Precy niya. Si Monchito Alemaria ay kapatid ng kanyang ama. Sabay na namatay sa aksidente ang mga magulang niya. Nahulog sa bangin ang bus na sinasakyan ng mga ito. Walang nabuhay. Anim na taong gulang siya noon. Mula sa edad na iyon, ang mag-asawang Tiyo Monching at Tiya Precy na ang tumayong mga magulang ni Ingrid. Ang nag-iisang anak ng mga ito na si Percival ay naging Kuya Val niya. Mula nang dumating si Ingrid sa poder ng mga ito ay pilit na siyang ginagawang 'lalaki' ni Kuya Val para maging kalaro nito sa baril-barilan at tumbang-preso. Pinasusuot rin nito sa kanya ang mga pinaglumaang damit. At noong minsang nagpagupit ng buhok ay isinama siya—pinagupitan siya na katulad ng gupit ng buhok nito. Marami ang nagsasabing malaki ang pagkakawig nila ni Kuya Val kaya ang resulta, mukha siyang nakababatang kapatid—na lalaki ni Kuya Val. At 'Go' o Inggo sa halip na 'Ingy' ang endearment nito sa kanya.

Napatili si Tiya Precy nang makita si Ingrid pagkauwi nila. Hinayang na hinayang ito sa mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok. Ang Tiyo Monching niya naman ay naaaliw na humalakhak. Tatlo na raw silang lalaki sa pamilya. Ngumisi naman si Kuya Val at tulad ng pangako nitong kapalit ng pagiging magka-'buddy' nila, araw araw na libre ang paborito niyang merienda.

Limang minuto nang late ang naglalako ng merienda na si Manang Juaning. Suki siya nito ng camote cue. Walang araw na hindi siya bumibili kaya kahit may mga nauuna na sa kanya ay lagi siyang may 'reserved'. Hindi buo ang araw niya sa Pulosa—na noong panahon raw ng mga ninuno nila ay tinatawag iyon na Pulo Sa Silangan—ang tahimik na bayang nilipatan niya matapos siyang maulilang lubos.

Mayamaya lang ay natanaw na ni Ingrid si Manang Juaning sakay ng tri-bike. Malayo pa ay nakangiti na ang matanda.

"Ginutom n'yo naman ako, Manang Juaning," salubong niyang nakangiti nang huminto ang tri-bike sa tapat ng bahay nila. Nabura rin ang ngiti ni Ingrid nang makita niyang wala ni isang tira sa camote cue. Turon at pancit na lang ang paninda nito. "Wala na po ako?" bigla siyang nalungkot. Nadoble yata ang gutom niya.

"Hindi ka ba binigyan ni Zeus?"

Agad napasimangot ni Ingrid pagkarinig sa pangalan.

Si Zeus De Villar ang tinutukoy ni Manang Juaning. Si Zeus ang bagong kaibigan ni Kuya Val. Bagong lipat ang pamilya nito sa Pulosa. Maglilimang buwan pa lang pero ang mag ninuno nitong De Villar ay kilala sa Pulosa. Sa lahat naman ng puwedeng maging kapitbahay nila ay ang bruho na iyon pa ang naging anak ng bagong lipat sa kabila. Mababait ang mga magulang nito pero si Zeus? Ah! Ubod lang naman ng yabang! Mas bagay na pangalan nito ang 'Horse' dahil sing-taas ng sipa ng kabayo ang kayabangan nito. Kung makaasta, parang ito na ang pinakaguwapong teenager sa buong Pulosa. Nakakainis lang dahil guwapo nga ang bruho. Pero kahit ganoon, hindi nito dapat sinasapawan ang mga binatilyo sa Pag-asa at sa buong Pulosa. Sikat ang mga ninuno kaya matunog agad ang pangalan nito.

Sa tingin ni Ingrid ay nililigawan ni Zeus lahat ng magagandang babaeng kaedad nito—pati mga babaeng may mga may nanliligaw nang iba. Nakikipag-kompetensiya sa lahat ang bruho, at dahil guwapo nga at bagong mukha, nag-uunahan yata sa pagsagot ang mga babaeng sabay-sabay na nililigawan nito!

Si Ingrid lang ang hindi nito pinapansin dahil nga 'lalaki' siya. Wala siyang pakialam sa trip nito pero ngayong pinakialaman na ni Zeus ang nag-iisang kaligayahan niya sa hapon—ang camote cue moment niya ay malalagot na sa kanya ang isang iyon.

"Si Zeus?" susog ni Ingrid. "Bakit ako bibigyan ni Zeus, Manang?"

"Si Zeus ang umubos sa lahat ng tinda kong camote cue, Ingy," Ingy—na ang bigkas ay 'En-ji' ang palayaw niya. "Sinabi ko nga na hindi na niya puwedeng bilhin 'yong dalawang stick dahil itinitira ko talaga sa 'yo pero kinuha pa rin. Siya na lang daw ang magbibigay sa 'yo tutal ay papasyal rin naman siya rito sainyo." Napailing-iling ang matanda. "Mukhang naharang ng magagandang dalagita diyan sa daan kaya hindi na umabot sa 'yo."

Zeus--PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now