One Point Two

8.1K 234 0
                                    

NAGULAT ang Tiyo Monching at Tiya Precy ni Ingrid nang bumulaga na lang siya sa bahay nang araw na iyon. Sinadya niya talagang hindi ipaalam sa mga ito ang pagdating niya, lalo na sa pinsan na ngayon ay abala sa iba't-ibang projects para sa Pag-asa.

Maraming tanong ang dapat niyang sagutin, alam iyon ni Ingrid. Hindi pa siya handang magkuwento.

Naroon siya para mag-ipon ng lakas. Kailangan niyang sumulong. Hindi siya dapat malubog sa sitwasyong iyon. Hindi man magiging madali ang lahat pero umaasa siyang matatagpuan niya sa Pulosa ang lakas na kailangan.

Magiging okay ako. Magiging okay ako.

Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili habang inilalapag sa isang sulok ng silid ang ang mga bagahe.

Pahalang niyang ibinagsak sa kama ang sarili. Ilang segundong tumitig ang dalaga sa kisame bago inilabas mula sa bag ang kanyang smartphone. Tinawagan niya si Kuya Val na baka nasa bundok at pinangungunahan ang tree planting. Hindi matapos-tapos ang mga activities ng pinsan.

"'Go?" halos eleven years na ang lumipas ay siya pa rin ang younger 'brother' ni Kuya Val. Napapangiti siya tuwing naririnig niya ang endearment na iyon. Malayo na sa twelve years old girl na iyon ang hitsura niya ngayon—hindi na siya chubby, hindi na siya short haired, hindi na rin siya addicted sa camote cue—pero pagdating kay Kuya Val ay tila hindi siya nagbago.

"Kuya Val..."

"Ang tamlay mo yata. Mas sakit ka ba?" iyon ang isang bagay na nagagawa nito na hindi magagawa ng iba. Hindi pa man siya nagsasalita ay alam na kaagad ng pinsan kung may inaalala siya base lang sa boses.

"Malungkot lang ako, Kuya..."

"Nasaan ka?" nabosesan niya ang biglang pag-aaalala nito. "May nangyari ba na hindi ko alam?"

"Marami pero ayoko munang magkuwento," sabi niya kasunod ang buntong-hininga. "Nasa bahay ako ngayon, kadarating ko lang."

"Ilang linggo ka sa Pulosa?"

"Hindi ko pa alam. Wala na rin naman akong babalikan sa Manila, eh."

"Ano? Ano'ng walang babalikan?"

"Binitiwan ko na ang GN-X Clothing, Kuya. Umalis na rin ako sa condo..."

Mahabang segundong natahimik ito, sa palagay niya ay ina-absorb ang mga sinabi niya. Mayamaya ay, "Mag-usap tayo pag-uwi ko. Magpahinga ka muna."

Hinagis lang ni Ingrid ang smartphone sa isang bahagi ng kama. Naipon na yata lahat ng pagod at antok niya nitong mga nakaraang araw, nahimbing siya nang mga sumunod na sandali.


Zeus--PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now