Chapter 1

15 3 0
                                    

Chapter 1: Telepono

"Yare" tumatawang sabi ni Pia kay Chloe, inaasar asar pa nya ito. Habang si Chloe ay nakasimangot at mukang kinakabahan.

Who would be? Tawang tawa ako sa kalokohang hindi naman pala kayang harapin ni Chloe.Paano ba naman kasi kinindatan niya iyong lalaki sa may kanto. Yaan tuloy at pinara ang jeep na sinasakyan namin. Kung bakit pa kasi s'ya nakipag-pustahan kay Pia.

"Kuya anong name mo?" Tumatawang tanong ko sa lalaki. Napataas pa ang kilay ko ng makitang may piercing ito sa kanang tenga. Well.. gwapo ang lalaki. Umupo sya sa tapat namin ni pia, kalapit si Chloe na natahimik.

"Why are you asking?" Masungit na sabi nito.

Tumawa ng pagkalakas lakas si Pia kaya napatingin ang ibang pasahero ng jeep. Tumawa nalang din ako kahit mejo napahiya.Sa lahat ng tinanungan ko ng pangalan pangalawa palang syang nagsungit.

Pasalamat nalang sya at ilang minuto nalang ay bababa na kami. Sa halip na ako ang pagtuunan ng pansin nung lalaki, si Chloe ang tinatanong kung bakit nya yon ginawa.

"Chloe" tawag ko sa kaibigan ko ng sasagot na sana.

Takang tingin lang ang binigay nya habang ang lalaki ay inungusan lang ako.

" I know that guy...." Sabi ko, nag iisip

"Siya yung ex nung teacher nating matanda and you know what-" paninira ko sa lalaki

Agad nagsalubong ang makakapal na kilay ng lalaki

Napangisi ako. That's what you get. Gago.

"What the fu-"

"Back off." Sabi ko inirapan at sakto namang huminto na ang jeep na sinasakyan namin. Bumaba kaming tatlo kasabay din ng ibang estudyante. Tinignan ko ang lalaki na may mariin na matang nakapukol saakin pero hindi naman bumaba. Tawa parin ng tawa si Pia habang naglalakad kami sa kanto. Nawala naman ang kaba ni Chloe at nakisabay sa tawa. Hindi nanaman yon bago dahil gawain nanamin 'yon palagi.

...

Binaba ko ang bag ko sa katabing upuan ng lamesa ni papa. Dito ako dumeretso sa baranggay hall para tumulong sa kanya. Wala sya dito ngayon at siguroy busy. Bukas na kasi ang dating ng mga mangangandidato para sa botohan. Sinabi nya saking hahatiin ang ilang miyembro ng kabataan para tulungan silang mamigay ng mga flyers.

Hindi naman kailangan pero dahil si Papa ang chairman ng baranggay ay wala akong magagawa. And besides gawain ko na talaga to simula pa nong manalo sya bilang pinuno. It's not really new.

Sanay narin akong parang gawing bahay ang hall na'to.Wala rin naman akong makakasama sa bahay,laging busy dito si Papa at si mama naman ay wala na.

Umupo ako sa swivel chair niya at doon hinilot ang sentido. Dito nalang siguro ako gagawa ng research tutal ay may free wifi naman.

Inabala ko ang sarili ko sa pag aaral. Bukas ay magiging abala kaya mas mabuti nang tapusin ko na'to ng mas maaga para hindi na ako mamroblema. Habang busy sa paghahanap sa computer ng pwedeng maging ideya ay tumunog ang telepono sa katabing lamesa.

At first hindi ko pinansin, nag focus ako sa pag ta-type at pag susulat. Baka kasi pagtinigil ko mawala yung mga idea na gusto kong idagdag.

Pero makulit yata talaga ang caller na ito.

Naiinis ako pero ipinagsantabi ko muna yon ng maalalang nasa hall nga pala ako. Hindi ito ang bahay namin at kahit sino ay pwedeng tumawag dito lalo nat emergency sa baranggay.

Inisang abot ko ang teleponong kanina pa nag iingay. Kinalma ko ang sarili ko dahil baka mabakas ang inis. Ayokong masira ang reputasyon ng ama ko dahil Lang hindi magalang ang anak nya.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now