Chapter 3

4 1 2
                                    

Chapter 3: pedestrian

"Tara na uwi na tayo" hila saakin ni Ivan. Kakatapos lang naming mamigay ng flyers. Pangalawa sila sa schedule ngayon, last Yung kina hanz. Pero mukang hindi nya ako partner  ngayon dahil hindi naman ako sinabihan ni papa at hindi rin ako assign.

Sa loob ng isang linggo ngayon lang ako hindi maasign kasama ang team nila. Ngayon lang din sila naging huli sa schedule.

Kahit ako sigurado ako sa sarili kong hindi ako makakasama dahil tuwing last schedule iba ang inaasign ni papa dahil oras ko yon sa pag aaral.

"Bagal nyo maglakad tss" naunang lumakad si Calihl saamin. Nakasimangot.

"Bat kasi sasama kapa?" Masungit na sabi ko.

"Anong pakialam mo, iuwi kita dyan sa bahay namin e. " Sabi nya ng mahina ang pang huling salita.

"Ano?!" Sigaw ko sa kanya, sigurado akong hindi lang ako ang nakarinig non!

Binalingan ko si Ivan habang nakita kong ngumisi lang si Calihl at chill dumeretso sa paglakad.

"Pasensyahan mo nayan, masasanay karin ganyan lang talaga yan" sabay halakhak nya

"Masasanay mo muka mo" irap ko kay Ivan. Dzuh Kung alam molang kung gaano ako nai- stress sa pagmumuka ng lalaking yan tuwing nakikita ko.

Ano bang trip ng lalaking yan sa buhay at sumasama pa saamin, pwede naman sa ibang member ng team.

Dumaan muna kami sa hall para magpaalam. Pumayag naman si papa dahil kilala nya si Ivan na kaibigan ko. Tsaka sanay narin naman ako na lagi nya kong hinahatid, kahit malapit lang naman at hindi kailangan.

Lumabas ako ng hall at nakita si Ivan at Calihl na nag iintay. May mga mangilan-ngilan paring tao.

Hindi ko alam sasarili ko kung bakit na excite ako saglit pero nung makita kong si Calihl  at Ivan ay humupa ang excitement na naramdaman ko. Suddenly naisip ko lang siguro si Hanz, don kasi lagi syang pumupwesto kapag nauuna sya dito. Even though kapag nagpapahinga sya. Ewan ko pero bigla ko nalang syang naisip, siguro nasanay lang ako na sya yung nandyan sa mga ganitong oras.

"Are you done?" Nanlaki ang mata ko at napatuwid ako ng tayo ng marinig ang boses ng kani-kanina lang na iniisip ko.

Putangina!

Bumaling ako sa gilid na may karamihang mga members na. Hindi ko yon pinag daanan ng pansin kanina kasi  akala ko yon at yon parin ang tao kanina!

"Ha?" Napatanga ako ng lumapit sya sa harap ko.

With his white oversized shirt and jeans muka syang malinis tignan.His manly scent is shivering down to my spine.  Napansin ko din agad ang bagong gupit nyang buhok.

"Tapos kana?" Ulit nya. Tumaas ang gilid ng labi. Mukang may idadagdag pero pinaltan nalang nya ng ngiti!

Damn! Pati labi niya napansin ko!

Kumurap ako ng mabilis dahil masyado konang ini- enspeksyon ang lalaki.

"Yes" Sabi ko tsaka ngumiti

"Excuse me.." napabaling kami Kay Ivan at Calihl nang lumapit.

Shit oo nga pala iniintay nila ako

" Tara na Lori" si Calihl naman.Tumingin saakin bago kay Hanz. Minata nya ang lalaki bago tumingin ulit saakin. Si Ivan naman ay ngumiti kay Hanz bago kinuha nag cellphone at kung anong ginawa.

I want to punch Calihl's face dahil akala mo ay close kami kung maka Lori. Pero naisip ko rin na iniintay nila ako at baka may importante pa silang gawin na ako ang dahilan ng pagtagal.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now