Chapter 4

3 1 4
                                    


Chapter 4: unknown

Ilang bahay lang ang nalagpasan ay natanaw Kona ang bahay nina ivan. It's big but not as.
Yung tama lang.

Nakapunta na ako dito pero hindi ko parin makalimutan ang sobrang kalinisan at kagandahan ng bahay. The floor...the little chandelier  even their  furnitures, simple pero alam mong pinag isipan ang pagpili.

Pinapasok kami ni ate  Ivee- ivan's sister, malalaki ang ngiti nito habang pinapaupo kami sa sofa. Sumalampak ng upo si Calihl  kaya napatingin ako sa kanya. Akala mo ay bahay nila kung maka asta. Gusto kong mag reac sa ginawa nya  pero nakita ko namang mukang ayos lang yon Kay ate lvee.

"What?" Ungos nito ng makita akong nakatingin sa kanya.

"What?" Panggagaya ko sa kanya ng nakataas ang isang kilay.

May sinabi nya na hindi ko naiintindihan pagkatapos ngumisi saakin. Umirap ako at tumingin sa malaking flat screen TV pagkatapos kay ate Ivee na nakatingin pala saakin at nakangisi?

Kahit nagtataka ay ngumiti ako ng maliit. She's two years older than me kaya mas galang na galang ako sa kanya. Mukang mataray pero  okay naman pagnakilala.

"Anong pinag uusapan nyo?" Tanong nya saakin, At  syempre! Saakin sya nakatingin ei! Si Ariel naman ay kausap si Ivan.

" Wala lang yon ate" ngiti ko, pero ngumisi lang sya at nagkibit balikat bago nagpaalam na ipaghahanda kami ng meryenda kahit kaka-kain lang namin sa daan!.

Wala pang ilang minutong tutok ako sa tv ay may umeksena na agad. Tinignan ko ang lalaking papansin kahit kailan.

Si Calihl.

"Ang init!" Walang hiyang sigaw nya- hindi pinansin ang nanlilisik Kong tingin sahalip walang habas na hunubad ang suot nyang t-shirt!

Potangina.

Namula ako sa sarili kong nakita. Kahit sina ariel ay napatingin at Kita ko Rin Ang mabilisang pag iwas nito ng tingin.

Anong kagaguhan to!

Yumuko ako bago pa marinig ang sigaw ni Ivan

"Ash Morgan!"  Sigaw nya sa pangalang hindi ko kilala. Akala ko may tinatawag syang iba lang lalaki  pero nung narinig kong tumawa si calihl, batid kong sya ang pinagsasabihan.

"What? Ang init kaya" Sabi pa nito. Hindi ko alam kung ano nang ginagawa nya- pero rinig kong tumatawa

"You see may mga kasama tayong babae,wag kang gaganyan gany-"

"Oo na! Oo na! Aakyat na ako maliligo!" Parang batang saad nito sa pinsan.

"Pasensyahan nyona " paumanhi  ni Ivan na tinanguhan  ni Ariel, Ni Hindi ako nakapag salita.

Nanood lang ulit ako pero ang utak ko ay nag iisip ng kung ano ano.

Hindi sya big deal pero nakakalipad talaga ng utak.

Ash Morgan Cahlil ? Cute pala ng pangalan ng kupal nayon! Pero kung ako pwede na sigurong Calihluya.

Napangisi ako sa sariling iniisip.

And? Onething.

Dito sya nakatira?

Malamang! Kaya nga umakyat sa kwarto e! 

Sabagay ngayon nalang ulit ako nakapunta dito kaya hindi ko alam na may bago pala silang recruit na hampas lupa.

Not my concern but... Paano yon? Plano naming dito mag aral   pag free day namin since tapos na ang candidacy!  Anuyon makakasama at makikita ko yon dito?

String ConsequenceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant