Chapter 7

1 0 0
                                    

"Tapos na? " Tanong ni Ivan nakaharap sa loob. Tinaas pa ang kamay para sa thumbs up. Humalakhak pagkatapos.

" Hoy Ivan" kuhit ni Chloe. Biglang tinamaan ng kamalditahan.

" Yes?" Nakangisi na ito ng bumaling saamin.

" Una na kami" pasenyas na sabi ko.

"Ambilis naman? Mamaya na! Nasaan pati ang anak ni ka Pablo?" Reklamo nito. Hinihigit pa si Chloe na akmang maglalakad. 

Tsaka kolang din nalingon si Pia.

"Ayun baga" Sabi ko, tinuro kung saan kami banda kanina.

Andon parin sila  nakaupo na habang kausap parin ang matanda. Kung ako ang tatanungin mukang tanga don ang kaibigan ko. Mukang nakikisawsaw sa usapan.

Kung masyado lang akong apektadong tao maiinis ako kay Pia, pero ganon ata talaga pag kilala mo  yung tao. Hindi ako magkakaroon ng kahit kaunting inis kung alam kong landi lang ang habol ng kaibigan ko. Wala pa naman yon sa kalingkingan ng nararamdaman ko. Hindi pa ako sigurado. Basta ang alam kolang parang nabubuhayan at kinakabahan ako pag nakikita ko ang lalaking yon.

Nothing more . Hindi ako para magpakaselos kung hindi pa ako sigurado. Nabaguhan lang ako, yon ang totoo. Tsaka kung meron man...

Hinding hindi ako aamin.

"Natapos din! " Bigla akong napalingon sa gilid ko ng narinig ko ang boses ng kamahal-malasang si Calihl.

Nagulat pa siya ng nilingon ko. Maya mayay ngumisi bago bumaling sa pinsan kong hilahila si Chloe na nakamangot.

"Woah" Gulat na sabi nya "bakit andito yan?" Nakataas na kilay na tanong niya pa kay Ivan.

"Excuse me?" Sagot naman ni Chloe. Nilapitan ko na dahil masyado atang nabago ang mood niya ng makita si Calihl.

Jusko naman, bakit kasi nagtagal pa kami dito.

Ngumisi si Calihl. Yung ngising nang aasar, na  kahit ako maiinis e!

"Do you know her?" Tanong niya ulit kay Ivan na mejo natatawa.

"Tss" bumwelo na si Chloe paalis,  pero hindi parin nakaalis sa pagkakahawak ni Ivan.

Alam kong mejo nagtataka siya kung bakit mainit ang dugo namin kay Calihl pero binigyan ko nanaman siya ng idea kahit konti. Ayos nayon.

Tsaka..mukang hindi narin naman bago sa kanyang palaging may galit sa pinsan niya.

Hm. Bigla tuloy akong na curious.

Pero sa halip na chumismis--magpapaalam nalang ako. Baka makita pa ni Pia , mas lalo pang magulo!

"Una na kami ivan--"

" Bang tagal nyo aba!--Ay anak ng kamalas malasang gago bat andito yan?" Nagulat ako ng biglang dumating si Pia.
Umakbay kasi siya bigla saakin. Nabitaw lang ng dinuro n'ya si Calihl.

Sinabi kona. Napapikit nalang ako saglit.

"Easy! Hey" Halakhak ni Calihl, binaba ang kamay ni Pia.

Hindi ko na nasundan ang nangyari dahil agad agad kong nilingon ang pinanggalingan ni Pia.   And shook! Saktong sakto ang mata ko sa kanya!

He's walking next to us!

"Ampota kilala n'yo?" Rinig kong tanong ni Pia. Nang nilingon ko, Nandidilat ng mata. Saakin pa talaga!

Napalunok nalang ako, bigla nanaman akong kinabahan. Hindi kay Pia.  Kundi--

Isang hakbang, nabuhayan ang pang amoy ko. Parang sumabay ang hangin sa pag dating sa presenya niya.

Pota. Ba't parang iba na'tong nangyayari sa'kin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

String ConsequenceWhere stories live. Discover now