Chapter 2

6 3 0
                                    

Chapter 2: paper bag

Tanaw tanaw ko ang bintana habang umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Nabigla lang siguro ako sa ginawa nya. Hindi kami magkakilala dahil ngayon kolang din naman sya nakita. Kaya dapat hindi ako basta basta nagtitiwala at nagpapadala.

"What are you thinking?" Nanlaki ang mata ko  sa gulat. Mabuti nalang at nakaharap ako sa bintana .

"Wala!" Sabi ko at agad na tinakpan ang bibig bago  tumingin sa kanya.Masyadong malakas! 

"S-orry" Sabi ko . Ngumiti lang sya. Gusto kong sampalin ang sarili ko  dahil  sa dinami dami ng nakita kong gwapong lalaki ay ngayon lang ako namangha. At sa kanya pa!

Akala ko ba Isa akong bitchesa!

Ngumisi sya habang deretso ang tingin sa daan  kaya nagkunwari nalang akong nag ayos  ng Hindi ko namalayan ang sarili kong tumitig na pala sa kanya.   Bigla akong nailang sa sarili kong ginawa!

At ng makita ang labas, Andito na pala kami!

Para akong tangang binuksan agad ang pinto at nang aalis na ako ay  kinabahan ako ng di ako makaalis sa inuupuan ko!

"Hey. What are you doing? Chill" Sabi nya pa. Sinabayan ng nakakatindig balahibong tawa.

Namangha ulit ako sa tawa nya. Hindi ko inakalang mas masarap palang pakinggan yon kung sa harapan.

Namula ako lalo na ng tignan nya ang dibdib ko!

Kaya agad agad kong tinignan ang sarili ko at  doon kolang na realize na naka seatbelt pa pala ako!

Dammmmitt!

Sa isang iglap sya ang nakapagtanggal non,halos mawalan ako ng hininga sa ginawa nya. Mabilis pero maingat, yung tipong hindi ka mababastos.

Sa sobrang hiya ay agad agad akong lumabas. Kita ko agad ang mga matang nakapukol saakin galing sa ibat ibang tao pero wala akong pake. Mas importante saakin yung kahihiyan ko.

"Anak. Okay kalang? Where's Hanz? Akala ko magkasama kayo? Ready na ang lunch, mag lunch na kayo" sunod sunod na sabi ni papa pagkapasok ko palang ng hall.May kausap sya kanina pero nung makita nya ako agad syang tumalima.

Marami ding tao sa loob ibat ibang team. 

"Ah. Pa busog pa ako e. Cr lang ako" sabiko at di na sya pinasagot, derederetso akong pumasok sa Comfort Room. Napahilamos ako habang tinitignan ang sarili sasalamin.

I'm look like a mess. Para akong kamatis sa pula ng pisngi.parang ayoko na tuloy lumabas. Pero hindi naman pwede dahil maraming tao at siguradong may gagamit ng banyo!

Napasigaw nalang ako sa frustration. Pero agad din natigil ng may kumatok sa pinto. Ugh! Bakit lahat ng bagay Wrong timing!

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salaming nakasabit bago ako lumabas.

" Oh. Ikaw pala Lori"

Si ate Che.

"Ah...e" napangiti nalang ako. Tsaka lumabas at pinadaan sya sa pinto. Akala ko makakatakas na ako pero tinanong nya pa ako kung bakit ako sumigaw rinig na rinig daw nya, sinabi ko nalang na takot ako sa ipis kaya ganon, muka namang naniwala sya at mabuti naman dahil ayokong pahabain ang usapan at kung mapunta pa kung saan.

Tatalikod na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Ay oo nga pala lori!, Hinahanap ka ni Hanz " Ngumisi sya pagkatapos sinara ang pinto.

String ConsequenceWhere stories live. Discover now