Chapter 6 (Pulang Palaso)

109 6 1
                                    

Nagulat na lamang si Malea ng ipaliwanag sa kaniya ang lahat ng Lolo Carllex niya. At nagulat siya na ganun din ang nangyare sa mama ng kaibigan niyang si Thallia.

Masakit sa kaniya ang mga nalaman niya mula sa pamilya. Ngunit mas masakit na makitang nagluluksa pa rin si Leandro IV sa pagkawala ng babaeng nagpabago ng buhay niya.

Kaagad din namang tumakbo pataas sa hagdan si Malea. Kahit five years old pa lang ito ay maliksi ang pagtakbo niya. Halatang kay Princess siya nagmana.

Malea Pov's
I don't know what happened in the past. But lola Jen said na namatay si mama sa panganganak sa akin. At ngayon ko lang din nalaman na may mama named Princess. Siguro napakaganda ni mama. Pero I want to know the whole truth kay Papa.

Nakakapagod kayang umakyat ng hagdan. Next time talaga mgpapabuhat na ako kay Papa. Baka nagtampo na iyon sa kakulitan ko.

" Papa! " tawag ko ng makarating sa taas. Sa dami ng kwarto dito sa Mansiyon but di ko malilimutan ang kwarto ni Papa.

Pagtapat ko sa kwarto ni Papa ay agad akong kumatok. " Papa, andiyan ka po ba? " sabi ko sa pintuan.

Bakit nga pala ako tatanong sa pintuan? Wala naman siyang bibig para makapagsalita. Ay, ang daldal ng isip ko. Ano-ano na lang ang pumapasok na kalokohan.

Inabot ko na lang ang door knob at pumasok. Mukhang nandito si Papa. Naaamoy ko kasi ang pabango niya. Nasaan kaya si Papa?

Napahinto ako ng may makitang wedding picture frame sa tapat ng kama ni Papa. Ngayon ko lang ito nakita.

" Mama! " napahikbi ako bigla.

Ang mukha ni Mama ay parang ako. Ang ganda niya habang nakayapos si Papa sa kaniya. Ang saya - saya ko ngayon at nakita ko na si Mama kahit sa picture lang.

" Hey, ayos ka la ba? Nagtatampo ka pa rin ba sa akin? " usisa ni Papa na nakayapos sa likuran ko.

Niyapos ko agad si Papa. " Papa, sorry po kanina. Nahihirapan po kayo sa pag alaga sa akin. Sabi ni Lola Jen ay iyakin daw ako. Hindi daw kayo makatulog ng maayos dahil sa akin. " hikbi kong paumanhin.

Papa hug me again and he kiss me in my forehead. " Just always remember na mahal na mahal ka naming lahat. Mas lalo na ako at ang Mama mo na nasa heaven na. Tahan na. " hawi niya pa ng luha ko.

Tumahan na lamang ako sa pag iyak. " Kargahin niyo naman ako, Papa. Napagod ako sa pag akyat sa hagdan. " reklamo ko kay papa.

Napatawa na lang bigla si Papa sa akin. " Mana ka nga sa Mama mo at reklamador din iyon. Hali ka at inaatok na ako. " hikab ni Papa habang karga ako.

Hinawakan ko ang pisngi ni Papa. " Pa, I love you po. Promise I will be a good girl. Tulog na po kayo Papa at patutulugin ko kayo. " at hinalikan ko si Papa sa pisngi niya.

He smile and then umupo siya sa kama. " Baby Malea, mag iingat ka lagi. Ang buhay mo ay napakahalaga. Don't talk to stranger at h'wag saan nagpupunta. " payo ni Papa sa akin.

" Opo, Papa. I will be a good girl na. Hindi na ako magpapasaway sa inyong lahat. Mag aaral pa akong maigi para maging proud si Mama sa akin. " tugon ko.

" Matutulog muna ako, Malea. Gisingin mo na lang ako kapag may kailangan ka. " wika ni Papa sa akin.

Hihiga naman ako sa bisig ni Papa at yayakapin siya. " Papa, " tawag ko ng ganun.

Hinawi ni Papa ang buhok ko. " May kailangan ka ba? " tugon niya sa akin.

Iniangat ko ang aking mukha at tinitigan siya. " Papa, h'wag na po kayong magpapaka-stress. Alagaan niyo po ang health niyo. Sabi kasi ni Lolo Carllex ay ten years ang tanda niyo kay mama. " sabi ko na biglang tumawa si Papa.

Ay, nakakatawa ba ang sinabi ko. Bakit ganiyan ang reaksiyon ni Papa? Naiinis talaga ako kapag tinatawanan ako ni Papa.

" Oh, tampo ka na naman. Ikaw na pilya ka. Mana ka nga sa mama mo este sa akin na pikun. Matutulog muna ako. " pikit ni Papa ng mga mata niya.

Hindi na lamang ako umalis sa tabi ni Papa. Babantayan ko siya sa pagtulog. Iyon din naman ang ginagawa niya sa akin, eh. I love my Papa and my whole family.

Sa labas naman ng Mansiyon ay naroon si Thallia namimitas ng bulaklak na santan. Aliw na aliw ito kahit na mainit ang sikat ng araw.

Sa kabilang banda ay may kung anong replika ng salamin. Ang salamin ng kamatayan dahil ginagamit ito sa mga baril na sniper.

Nakapwesto na pala ito kanina pa at walang kaalam alam ang mga De la Vega sa loob ng Mansiyon. Para sa target na batang babae na aliw na aliw sa pamimitas ng bulaklak.

Sa sandali ding iyon ay palabas si Scarlett kasama si Cassandra para sunduin si Thallia. Bumagsak na lamang sa lupa si Scarlett ng walang ano'y may tumama na bala sa likod niya at umago sa dugo dito.

" Titaaaaaaaaa... " sigaw na tangis ni Thallia habang si Cassandra ay agad namang tumakbo para puntahan ang sniper.

Nagulantang silang habang may barilang nagaganap sa talahiban ng hacienda. Ang putok na baril na mula sa dalagang si Cassandra at sa lalaking may sniper nakatago.

" Lumabas ka diyan duwagggg! " sigaw ni Cassandra habang galit na galit.

Namayani na lamang ang katahimikan sa talahiban. Sumunod namman sina Sir Fierce at ang mga Fuentaverdes doon.

Nagulat na lamang sila ng maabutang may palasong pulang nakatarak sa puso ng lalaking suspek. Nakaupo lang si Cassandra at napatitig sa pulang palaso. Habang gulat na gulat si Yjune ng makita naman ito.

" Pa-paanong may pulang palaso sa dibdib niya? " usisa nitong hindi makapaniwala.

" Magaling sa Archer ang gumawa nito sa kaniya. Maliksi sa talahiban at malinis ang pagkagawa niya. Wala talaga akong masabi sa gumawa nito. Napaka asintado niya. " hanggang puri ni sir Ethane.

Napalingon na lamang sila ng may kumaluskos. Mula sa di kalayuan ay may babaeng nakatayo sa isang malaking puno. Nakaputi ito at may bow and arrow sa likod niya. Nakatago ang mukha ngunit puno ng galit ang mga titig niya.

" Sa-sandali, " sambit ni Yjune.

Ngunit tila ba'y agad na naglaho ang babaeng nakaputi na sinundan ng isang pagaspas mula sa itaas ng kakahuyan.

Someone Pov's
Ang mga duwag! Bakit ang sanggol na iyon pa ang gusto nilang patayin? Napaka hanggal ng mga bituka nila. Hintayin niyong magalit ang babaeng may hawak na palaso. Itatarak niya ang pinakamatulis na palaso sa mga puso niyong asal demonyo!




The Knight, Gangs, and the Warrior Angels ( Book 3 - FSV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now