Chapter 16 (Ang mga pilyo at pilyang bunga sa nakaraan)

77 6 1
                                    

At somewhere.
   Sa isang kalye na madalas tambayan ng mga gangs at praternete. May tatlong batang lalaki na magkamukha ang dalawa at ang isa ay may pagka-intsik. Naglalaro ang mga ito ng batuhan. Mapapansin ang pagka inis ng isa at ang mga nakabantay na mga ginoo ang kaniyang binato.

" Hala ka! Binato mo iyong bodyguards natin. Lagot ka kay Mama. " wika ng isang naka puti ng T-shirt.

" Tsk. Wala akong pake kung mamatay siya sa bato ko. Bad guy naman iyon. " pabato niyang sabi na may kasamang taray.

" Dude, lagot ka kay mama. May binato ka na namang guards natin. " sabi pa ng kamukha niya.

" Whatever! Magsama pa silang lahat." pataray niyang sabi.

   Nagsitakbuhan naman ang mga bodyguards nila papasok sa bahay. Mukhang takot din silang mabato ng pilyong batang walang sinasanto kapag tinupak.

Sa kabilang Bayan.
   May malaking bahay na nakatayo sa gilid ng baybayin. Ang bahay na madalas taguan ng mga kriminal. May mga nakatambay na mga naka armadong lalaki. Nakasuot sila ng maskarang itim habanng hinihintay na lumabas ang lider nila.

    Maririnig ang pag uusap sa loob ng dalawang ginoo. Ang isa ay naka upo sa sofa at may hawak na wine. Ang isa naman ay nakatayo sa harapan niya. Hindi maaninag ang mukha nila ngunit may mga larawan na nasa mesa.

Dadamputin ang larawan ng dalawang batang babae. " Tapusin mo na ang inuutos ko sa iyo. Kung gusto mong makuha ang napakalaki mong pera. Hero, ikaw lang ang inaasahan kong tatapos ng lahat ng ito. Kung hindi mo mapapatay ang dalawang batang iyan. Ihinanda muna ang buhay mo dahil iyan ang kapalit. " wika sa kaniya ng ginoong may itim na kasuotan.

Uupo naman ang ginoong tinawag niyang sa pangalang Hero. " Boss, h'wag nating madaliin ang lahat. Sundin natin ang plano. Balita ko ay may mga bagong dumating na mga Interpol sa Mansiyon De la Vega. Sa tingin ko ay pakalmahin muna natin ang sitwasyon. " tugon niya sa boss nito.

Itataas naman ang kanang kamay niya. Mag aalok ng wine sa kasama niya. Mapapansin ang tattoo sa leeg niya. Ang nakapintang dragon na may pangalan ng kapatiran.

" Tapusin mo na din ang mga humaharang sa daan. At ako ang bahala doon sa sinasabi nilang may pakpak. Huhulihin ko iyon. " dagdag pa ng boss niya.

" Boss, iyon lang ba ang inuutos niyo? "

" Oo, sila ang mga balakid sa perang makukuha ko. At kapag nangyare iyon ay malaki ang parte mo. You can buy what you want. Money can buy anything. " ngisi nitong tugon.

Hahalakhak naman ang mga ito. Itataas ang kamay habang may hawak na alak. Nagbubunyi para sa kasiguraduhan ng dalawang batang nais nilang mawala. Magtatagumpay kaya sila sa kanilang balak? O mabibigo na naman?

Palabas na ang ginoong si Hero. Pupuntahan niya ang kaniyang mga tauhan at uutusan. " Tapusin niyo na sila! " utos nito sa mga tauhan niya.

" Pupuntahin ba namin sa mismong Mansiyon nila? "

" Oo, " tipid nitong tugon habang nakangisi.

Palihim na mag iiwan ng isang butones at ibabalot sa madikit. Sandaling ididikit niya ito ng palihim sa pader na gaya ng ginawa niya sa pag uusap ng boss niya kanina.

Magsisialisan ang mga tauhan niya. Magpapaunahan ang mga ito na makarating sa San De la Vega para patayin ang dalawang batang may napakalaking presyo sa bawat ulo.

Hero Pov's
Napahalakhak na lang ako sa aking isipan. Hindi na kayo makakabalik ng buhay mga tanga. Dahil papunta pa lang kayo ay nakahanda na ang mga kabaong niyo. Hindi kayo papayagan na makaapak sa damuhan ng Mansiyon. Lahat kayo ay mahuhulog sa aking patibong.

The Knight, Gangs, and the Warrior Angels ( Book 3 - FSV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now