Chapter 22 (Asintado)

65 4 1
                                    

Athena Pov's
Napaka-saya ko ng masilayan si Thallia. Ang singkit niyang mga mata na kahawig ng papa niya. Tama nga at may kahawig siyang singkit dahil kapag inasar siya ng kambal niya ay reresbak ang papa niyang singkit din.

Napatayo na ako sa aking kinauupuan para lapitan sila. Si Mama pa lang nayakap ko at si Thallia. Si Kuya Nathane naman ay nag aabang din ng yakap ko. Sino kaya ang mauuna sa kanila?

Napalapit ako kay papa naghihintay sa akin. Sigurado akong na-mis niya talaga ako. Mas mahal ako ni papa kaysa sa kay kuya. Babae daw kasi ako at tagapagmana niya.

" Hi Papa. " sabay yakap ko ng mahigpit sa kaniya.

" Grabi, napakaganda na ng baby ko. Alam mo na-mis talaga kita, Athena. Ang dami kong gustong tanungin sa iyo. Mahal na mahal kita at hindi iyon magbabago. Welcome back, My Princess. " sabi pa ni Papa.

" Pa, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ko kayo. Kahit saan ako dalhin ng tadhana ay kayo pa rin ang gusto kong maging Papa. " yakap ko uli.

Pagkatapos ay dumako ako kina Tito at Tita. Niyakap ko sila ng mahigpit at kinamusta. Sina Lolo at Lola naman ay nagmano ako sa kanila. Tapos kina Señora Mia at kina Sir Fierce. Niyakap ko sila at binati ko si Leandro IV.

" Leandro IV, kailan kaya lalabas ang tunay mong pagkatao? Ah, siguro kapag nakuha na nila ang mahal mong si Malea. " seryoso kong sabi sa kaniya.

Alam kong mas matanda siya kaysa sa akin. Pero hindi ako gagalang sa kaniya dahil may kasalanan siya sa akin. Sipain ko kaya ito sa harapan nila.

" Galit ka pa rin ba sa akin? Pinagsisihan ko na ang pagiging anak ni Satanas. Well, hindi ko naman hahayaang makuha nila ang anak ko. Magkakamatayan kami at itatarak ko sa puso nila ang simbolo ng kamatayan. " saad niyang pagkagalit.

" Bago iyon ay kailangan mo munang hanapin ang iba pang mga Gangs. Ikaw ang sugo para buuin ang ..... " hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang sumabat si Papa.

"Anong ibig mong sabihin, Athena? Narito ka ba para sa ibang dahilan? " usisa niya sa akin.

Napalakad na lamang ako ng bahagya papalayo sa Sala. Nang biglang may narinig akong tunog na mula sa aking relong suot.

" Magsikalat kayo at alamin kung saan ang lokasyon ng mga dragon. " hudyat ko pa sa mga tauhan ko sa gilid ko banda..

Napa-alarma sina Papa ng kuhain ko ang aking palasong gamit. Naghahamon silang mamatay kaya pagbibigyan ko.

" May nakapasok sa bakod na Hacienda. Pa, h'wag niyong hayaang lumabas ang mga bata. Yjune, keep an eye for him. " tukoy ko sa anak naming si Dell at kumaripas na ako sa paglabas.

Inilugay ko ang aking buhok at tinakpan ang mukha ko ng hood. Sino na naman kaya ang mga walang hiyang naglakas loob na umakyat ng bakod.

" Hintay! " rinig kong tawag.

Si Singkit na Yjune pala. Bakit ba kasi humabol siya sa akin? Alam naman niyang may naka-abang na panganib sa paligid. Patutulugin ko talaga ito sa suntok.

" Ba't ka pa sumunod? May mga sniper na nakamasid sa paligid. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nabaril ka. " saad kong sumbat sa kaniya.

Nabigla naman ako dahil sa paghawak niya sa kamay ko. " Athena, alam ko ang ginagawa ko. Ayokong tumunganga lang at panonoorin kita. Asawa kita baka nakakalimutan mo. " at bahagya niyang bunot ng baril sa tagiliran niya.

Huminto ang mga oras sa sandaling iyon. Ang mga ibon ay parang nag aawitan sa paligid. Ito ba ang pakiramdam ng love at second sight. Mas lalo pang lumiwanag ng yakapin niya ako.

The Knight, Gangs, and the Warrior Angels ( Book 3 - FSV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now