Chapter 25 (Hero ft. Jeno)

65 5 1
                                    

Sa Mansiyon De la Vega.
Naroon ang mga ginoong nag uusap sa Pool banda. Nakababad ang mga paa nila sa tubig at may hawak na wine. Habang may snacks na nakalagay sa mangkok. Mapapansin ang kakulitan ng mga batang naroon. Naghahabol ito ng mga ligaw na paru - paru dahil sa pagmumukadkad ng bulaklak na nasa gilid ng pool.

" Ay, lumipad na siya pataas. Papa, umalis na ang paru-paru. " mangiyak na sabi ni Malea.

" Oh, h'wag ng iiyak at pupunta tayo sa madaming paru-paru. " karga ni Leandro IV sa anak niya.

" But Papa, I want to play with them. Lolo, can I go out? " paalam ni Malea kay Carllex na may hawak na wine.

" Apo, sumama ka na lang sa Papa mo at marami roong paru-paru. May malaki at maliit. " tugon niya sa apo nito.

" But Lolo gusto kong lumabas. Gusto kong maglaro at maghabol ng mga paru-paru. " katwiran ni Malea at napadabog.

" Malea, maraming bad guys sa labas at kapag lumabas ka ay sasaktan ka nila. " wika ng Lola Jen niya na noo'y kararating pa lang.

Napakuripas ng tayo si Carllex at niyakap ang asawa. Kinamusta niya ito sa isang linggo na bakasyon sa bahay ng tunay nitong Papa.

" Jen, kumusta ang bonding niyong mag-ama? " usisa niya sa asawa.

Hindi na lang nakasagot si Jen ng tumangis bigla si Malea. Nagdadabog-dabog ito sa harapan ng lahat. Pilit itong sinusuyo ni Leandro IV ngunit ayaw tumahan sa kaniya.

" Hi Malea. " bati ng isang panauhin.

Napalingon ang lahat kay Herovanni Santos na nakasuot ng itim na damit at pangbaba. Nilapitan niya si Malea na umiiyak. Hinawakan niya ng bahagya ang pisngi nito at hinawi ang mga luha.

Herrovanni Pov's
Napaka iyakin ng apo ko sa tuhod. Mana raw sa Mama Princess niya. Hay naku, umiiyak na naman. Hindi kaya nauubos ang luha nito? Ang cute pa naman niya. Saan kaya ito pinaglihi at napaka iyakan niya?

" Apo, gusto mo bang lumabas? Sasamahan kita. " mahinahon kong sabi sa kaniya.

" Pero hindi po ako pinayagan ni Lolo Carllex. Sabi po may bad guys sa labas. " hinto niya sa pag iyak.

Tinitigan ko na lang sila at humudyat sa pamamagitan ng aking pag iling. Kinarga ko si Malea at hinaplos-haplos ang likod nito. Patatahanin ko muna siya at aaliwin.

" Bumalik ka na pala, Kuya Hero. Kumusta ang bonding niyo ni Jen? " usisa ni Jeno sa akin.

" Ayos naman at nakatikim ako ng sermun sa kaniya. Oo nga pala, umpisa na sa paghahanda para sa giyera. At kailangan mo din namang ilabas ang sekreto mo, Jeno. " sabay tapik ko sa balikat niya.

Dinala ko muna si Malea sa harap ng bintana. Wala namang mga ligaw na buwitre sa labas. Paparating na kasi ang mga leon na kikitil sa sinumang ligaw na buwitre sa paligid.

" Sir Hero, may alam ho ba kayo dito? Pinahahanap kasi sa akin ni Athena ang labing apat na Knights. Eh, dalawa pa lang nakikilala ko. " lapit sa akin ni Yjune.

" H'wag kang mag alala at kukusa silang lalapit sa iyo. " tugon ko naman sa kaniya.

" Eh, kayo ho ba ay isa sa kanila? " tanong niya sa akin.

" Mamaya mo malalaman. May paparating kang mga panauhin. Mula sila sa malayo at armado. Sila iyong mga matatagal na serbisyo. Balita ko rin ay sila ang nagbabantay sa border ng bayan. " balita ko sa kaniya.

Mabuti at hindi na siya mahirapan na makumbensi ang mga iyon. Malalapit at pamilya niya ang mga iyon. Maliban sa paghahap sa tatlong lider ng Gangs na mahirap kumbensihin.

" Sabi pa ni Athena ay may pagpupulong na magaganap mamayang gabi. Lahat daw ng mga kasangkot ay dadalo roon. Kaya kailangan ko ng mahanap ang labing apat bago magdilim. " sabi pa niya sa akin.

" Alam ko na iyan. Excited na nga akong makita ang puting anghel. " sabi ko na may tonong pagka-excited.

Aba, ako ata ang number one fun ng puting anghel. Isa ako sa mga nakamasid habang nakikipaglaban siya sa mga masasamang tao. Nakaka-hanga ang kilos at angking kakayahan niya. Magpapa-authograph talaga ako sa kaniya kapag nasa pagpupulong siya mamaya.

" Sir Hero talaga. "

" Syempre, guardian angel iyon ni Malea. At tinutulungan tayo sa problema natin. " dagdag ko pa.

" Lolo, kapag nakilala niyo siya ipag-pasalamat niyo ako sa kaniya. Tapos kunan niyo ako ng souvenier na balahibo. " sabi ng iyakin kong apo sa tuhod.

" Sige, pero dapat ay h'wag kang magpapasaway sa Papa mo. Maraming problema iyon. " payo ko sa kaniya.

" Ibaba niyo na po ako, Lolo Hero. Pupuntahan ko po si Papa at magso-sorry na po ako. " sabi niya sa akin.

Inilapag ko siya ng madahan at agad siyang tumakbo sa may Pool banda. Hay, sana maging safe siya palagi. H'wag na sana siyang madamay sa kaguluhan. Sana maging maayos ang kalusugan niya. I'm wishing for her a lot of good things. At palagi siyang bantayan ng Mama niyang pumanaw na.

" Doon tayo, Yjune. Sa Pool tayo at kanina ka pa hinihintay ni Leandro IV. Makikisali na din ako sa usapan niyo. Baka may maitulong ako sa inyo. " yaya ko sa kaniya.

Napa-akbay ako sa kaniya habang papunta kami sa Pool. Lahat kami ay magkakapamilya dito. Kaso kapag nasa kalokohan, laglagan talaga at walang tatahimik. Baka mahagisan ng ipis or anything na magmumukha kang basang sisiw.

" Mis ko na talaga maligo sa pool. " sabi ko habang papaupo sa gilid nito.

Hindi pa ako nakaka-upo ng biglang may tumulak sa akin. At nahulog ako sa pool na wala sa oras. Damned, masyadong malamig ang tubig sa pool na ito.

" Wahhhh, anong ginagawa mo? " sabay tawa ni Jeno.

" My gosh, Jennovanni Santos! " nginig kong sumbat sa kaniya.

Napatawa na lamang sila sa akin. Paano ba naman kasi tinulak ako ng kambal kong engot. Para akonh basang sisiw. Nagulo iyong buhok ko. Nabasa iyong mamahalin kong damit.

" Pa, anong nangyare sa inyo? Bakit kayo tumalon sa pool na may damit? " usisa ni Jen sa akin.

" Tsk. Itanong mo diyan kay Jeno. Tinulak pa naman ako dito sa pool. Hayts, ang lamig parang may yelo sa pool. " nginig kong tugon kay Jen.

" Papa Jeno naman. Sandali ho Papa at kukuhaan ko kayo ng tuwalya. " dali dali niyang alis.

Tawang-tawa siya sa ginawa niya. Wala talaga sa oras ang kalokohan niya. Hindi tuloy nakahanda ang katawan ko sa lamig ng tubig. Napahubad ako ng damit na wala sa oras. Naku Hero, napahubad ka ng damit na wala sa oras.

" Sus, naghubad ka na naman ng damit. Binabandera mo na naman iyang abs mo. " sabi pa niya sa akin.

" Tsk. Pakana mo naman ito. Nakaligo na ako sa bahay tapos tinulak mo pa ako sa pool. Kung ikaw kaya ang itulak ko. " sabat ko sa kaniya.

Ngumisi lang siya sa akin. Naku, hintayin mo talaga ang ganti ko Jennovanni. Hindi maabutan ng gabi at makakaganti ako sa iyo.

" Pa, heto na. Malamig pa naman ang tubig diyan sa pool. " saklob sa akin ni Jen ng tuwalya.

" Thank you, Jen. Wala pa naman akong dalang damit. " at pinupunasan ang basa kong buhok.

Wala na at basa na rin ang shoes ko. Even my pants and phone on my pocket. Magpapalit na naman ako ng cellphone nito. Palagi talagang wala sa timing ang kalokohan ng kambal ko. Kung ako pikun eh kanina ko pa sinapak ito.

The Knight, Gangs, and the Warrior Angels ( Book 3 - FSV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now