Chapter 10 (Ang liham)

87 5 1
                                    


Nathane Pov's
Napabuntong hininga ako habang papasok sa kwarto kung saan naroon si Scarlett. Sana naman ay gumaling na siya. Nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon. Ang daming nangyayare ngayon. Nag aalala ako sa kaniya. Baka sumuko siya. H'wag naman sana.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakatagilid. Nakaharap siya sa may bintanang bukas at may magandang tanawin.

Tahimik akong lumapit sa kaniya. Tumungo ako sa harap niya. Tumitig lang siya sa akin at babangon.

" Tulungan na kita. " alalay ko sa kaniya.

" Nathane, anong nangyare kanina? Sabi ni Mama Althea ay nagkabarilan daw sa simbahan? Totoo ba iyon? " usisa niya sa akin.

Hinawi ko muna ang buhok niya at tinali. " Oo, kaya magpagaling ka. Ayokong dito ka lang palagi sa loob ng kwarto. Nahihirapan ako, Scarlett. Ipangako mo sa akin na h'wag kang susuko. Nagsisimula pa lang ang kaguluhan sa pagitan ng mga pamilya natin. Hindi ko maipapangakong hindi ka madadamay muli. Pero maipapangako kong pro-protektahan kita. " sabi ko sa kaniya.

Yumuko siya ng bahagya at yumakap sa akin. Narinig ko ang mahina niyang hikbi. Ang hikbing ngayon ko lang narinig sa pagsasama namin bilang mag asawa.

Naging maingat na lamang ako sa pagyapos sa kaniya. Nasa likuran kasi ang sugat niya. Mahirap na baka mahawakan ko at dumugo. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang paggaling niya.

Scarllet Pov's
Oo, humihikbi ako hindi dahil mahapdi at napaka sakit ng sugat ko. Kundi sa sitwasyon namin ngayon. Paano na lang kung si Thallia ang natamaan at hindi ako. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung nangyare iyon sa kaniya.  Nangako ako kay Athena na pro-protektahan ko ang anak niya. At hindi ko iyon babaliin.

" Nathane, baba tayo. Kakausapin ko si Papa Ethane. "

" Anong gusto mo? Buhatin kita? O karga ka sa likod ko? " papili niya sa akin.

Napatawa na lamang ako sa sinabi niya. May pagka ewan talaga siya. Alam naman niyang may sugat ako.

" Loko, " sabay kurot ko sa pisngi niya.

" Hindi bale kapag magaling kana. Kahit na kargahin pa ng ilang beses. " tugon niya.

Inalalayan niya ako palabas ng kwarto. Para akong buntis sa ginagawa niya. May pagka lampa daw ako. Nadulas kasi ako nong isang taon sa mansiyon nila. Akala ko nga pagtatawanan ako. Pero mali pala ang iniisip ko sa kanila. Pinagalitan pa nga niya ako. Nakakatawa nga siya at hindi ako maka move on.

Pababa na kami ng hagdan ng marinig ko ang pagtawag ni Thallia. " Tita Scarlett, ayos na po ba kayo? Gusto niyo po ba ng tubig? " salubong niya sa akin.

Ang bait niyang bata. Parang ang mama niya lang. " Maraming salamat, Thallia. " hawak ko sa kamay niya.

Napangiti na lamang ako ng mapansing inaayos nila ang uupuan ko. Si Papa Ethane ay pinalitan ng malambot na unan ang sasandalan ko. " Teka, kailangan mo na bang magpatingin sa Doktor? " usisa pa ni Papa Ethane sa akin.

" Ako na ang titingin sa kaniya. Bibigyan ko na din siya ng gamot. " tugon naman ni Sir Fierce.

" Maraming Salamat ho. Nakaka abala pa ho ako sa inyo. " ani ko.

" Sinong nagsabi nakaka abala ka? You're part of this family. " sabat ni Señora Mia sa akin.

Napatahimik na lang ako habang napaka hapdi ng sugat ko sa likod. Nilalagnat pa rin ako ngayon. Wala namang problema kasi alagang alaga nila ako. Nagpapalit-palitan sila na samahan ako sa kwarto. Kung minsan ay kinakausap ako ni Señora Mia kapag siya ang nakabantay sa akin. Pinapayuhan niya ako at pinapaliwanag ang sitwasyon namin ngayon.

Isa lang talaga ang masasabi ko. Napaka suwerte ko sa pamilya na ito. Hindi lang sa may respeto sa isa't - isa. Kundi sa matatag nilang samahan at pagkakaisa. At iyon ang kina-iinggitan ng lahat.

Napakamot na lang ako ng may nakalimutang ibigay kay Papa Ethane. May nakita kasi akong letter na nasa sahig. Nasa pangalan kasi ito ni Papa Ethane.

" Papa, sa inyo ho ba ito? Nakita ko kasi iyan sa sahig. " abot ko ng liham.

" Teka? Wala naman akong ganiyan. Pero dahil nakapangalan sa akin ay bubuksan ko na. " at bahagya niyang binuksan ang envelop.

Nabigla na lang kami sa naging reaksiyon niya. Tumulo ang luha niya na ipinagtaka namin. Naging rason iyon para lapitan siya ng lahat.

" Ano hong laman? Bakit ho kayo umiiyak? " usisa ko sa lahat.

Hindi na lang sila maka imik at lumingon kay Thallia. Kasama ito ni Malea na naglalaro sa carpet na nilatag. Nilapitan ito ni Papa Ethane at binuklat ang liham.

Nagulat ako ng nabasa ko ang liham.

Dear Papa,
      Nagluksa kayo ng dahil sa akin. Akala ko'y katapusan ko na. Ngunit nabuhay akong muli, Papa. Binuhay ako para samahan ang puting anghel sa misyon niya. Ang hirap ng sitwasyon ko, Papa. Hindi ko kayo masamahan. Hindi ko madamayan ang asawa ko. Hindi ko maalagaan ang anak ko. Hindi ko maalagaan si Scarlett. Hindi ko kayo mayayakap. Ang hirap hirap ng sitwasyon ko. Nanggigilid ang luha ko habang pinapanood ko kayong nadadamay sa gulo ng nakaraan. Ingatan niyo ho si Thallia. Pakisabi kay Leandro IV na lalo niyang bantayan ang anak niya. Hindi pa ho dito nagsisimula ang lahat. Nandito lang ho ako sa tabi - tabi. Nagmamasid ako at kikitilin ko ang buhay na gugulo sa pamilya natin. Mahal na mahal ko ho kayong lahat. Pakisabi kay Thallia na mahal na mahal siya ng Mama niya. Babalik ako pangako. Babalik ako para linawin ang lahat. Sa pagbabalik kong iyon ay may kasama ako. Hindi isa kundi marami kami. Mula kami sa nakaraan na unti unti nang nakakalimutan. Hanggang dito na lang.
                                Nagmamahal,
                   Ang babaeng may palasong pula

Napaiyak ako sa tuwa sa aking nabasa. Buhay ang kaibigan ko. Buhay ang kaibigan kong napakabait. Hindi niya kami iniwan. Hindi niya kami pinababayaan. At ang saya - saya ko. " Athena, maraming salamat sa pagbabantay sa amin. Sana magkita tayo at mayakap kita, Athena. " bulong ko sa hangin.

The Knight, Gangs, and the Warrior Angels ( Book 3 - FSV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now