EPILOGUE

68 1 0
                                    

Linggo noon at isang napakagandang umaga ang bungad ng haring araw sa lahat. Nagsimba ang pamilya De la Vega, Fuentaverdes, Rygoza, Santos, De los Santos at kasama ang pamilya ni Señore Yhuan.

Masaya ang bawat isa at nag uusap habang nasa labas pa ng simbahan. Kamustahan at batian sa bawat isa. Ang bawat mumunting señorita ay nagbihis anghel sa puting bestida na pinasuot sa kanila.

" Ang gaganda niyo naman. Lalo na si Ally. Nasaan na ba yong binata natin? " Hanap ni Sir Athane sa anak nitong si Ryllex.

" Ayiee. Nandiyan pala sa tabi-tabi kunware busy pero yong mga mata nakatingin kay Ally. " Padinig ni Ethane sa pamangkin nito.

Nakatayo ang binatang si Ally sa gilid ng kotse niya at may hawak na phone na tila abala ito.

Magkakatuwaan na lamang ang lahat at pauwi na rin ang mga nagsisimba. Pasakay na ang mga mumunting prinsesa sa loob ng kotse at minabuting sumabay ni Ally sa lola Jen niya sa pag uwi.

" Lola, ano pong pinag uusapan nila? " Usisa ng dalaga na ang tinutukoy ay ang mama at papa niyang seryoso ang pinag uusapan sa labas.

" Business lang yon at sa pagreretiro ng papa mo sa interpol. " Tugon ni Jen sa kaniya.

Sa hindi inaasahan ay pumasok naman sa loob ng kotse ang mga binatang abala sa hawak nilang phone at di napansin si Ally.

" Ryllex, hindi ba sasabay sa inyo ang mga kapated niyo? " Usisa nito sa kambal na binata. At doon palang nagulat sa bumungad sa kaniya.

Halatang napaiwas ng tingin si Ryllex at bumulong sa kambal.

" Chill kuya at si Ally lang yan. " Lokong wika ni Kyllex.

" Hi, Sir Ryllex. " Bati pa ni Ally na mas lalong ikinanginig ng binata.

Matatawa na lamang sina Jen kay Ryllex na daig pa ang may bulati sa pwet na di mapakali sa upuan.

Sa labas naman ay naroon pa rin ang mga ginoo at ginang. Sina Malea naman at Thallia ay nasa loob na ng sasakyan kasama ng bodyguards ng driver nila. Naglalaro ang dalawa at tumatawa.

" Ang saya nilang tingnan. Nakikita kong magkasabay silang lalaki. " Ani Maria Charllotta habang nakatitig sa dalawang tagapagmana..

" Alam mo ate napakapalad nila. Ang kanilang buhay ay luluhuran ag pagsisilbihan ng lahat. Matatakot at ililibing ng buhay ang sino mang mananakit sa kanila. " Dagdag pa ni Sofia.

Napuna naman ni Señore Carlos ang sinabi ng dalawa. " Kayo talagang dalawa nanghuhula na naman. Sabay naman talaga silang dalawa dahil yon ang nakatadhana. " Sang yon niya rin.

" Pa, aalis na sin Blue at magtatrabaho sila sa malayo. Si Javier naman ay bibisita sa Spanya. Ako ay dito lang at aalagaan ko si mama. " Pa alam ni Maria Charllotta rito.

" Mabuti at kung ganun dahil yong mama niyo ay makakalimutin kung minsan. Ikaw Sofia, uuwi na ba kayo? " Usisa niya sa bunsong anak.

" Ahm, sa isang linggo pa. Saka papa dito muna kami at sasamahan namin kayo. Di pa nga naaayos ang bahay natin. " Tukoy ni Sofia sa mansion na napinsala.

" Ganun talaga mga anak ko. " At napaakbay sa dalawa saka napabuntong hininga.

Papaalis na ang sasakyan ng ilang ginang maliban sa sasakyan ng mga De la Vega, Rygoza at De los Santos na may hinihintay pa.

" Mama, uwi na po tayo. " Tawag ni Malea na nakadungaw sa bintana.

" Sandali lang, " tugon ni Princess.

Sandaling kukunin ang bag niya at maglalakad na sila ni Leandro IV patungo sa kotse ng biglang sumabog ito. At sinundan pa ng pagsabog mg kotseng sasakyan sana nina Mang Jeno.

" Maleaaaa...." Sigaw na narinig mula sa napahintong kotse.

" P-Princess, sina Maleaaaa..... " Sigaw ni Jen na halos nagkandapa sa katatakbo.

Ngunit walang makita kundi mausok at nakahandusay na mag asawang magkalapit sa lapag.

" H-Hindi! " Wikang sambit ni Athena sa bumungad sa kaniya.

Ang kotseng kung saan naroon ang dalawang batang naglalaro kanina ay abo nalang pati ang driver nito.

" Thallia ko, " hagulhol ng isang amang napaluhod na tila nawala sa kaisipan.

Leandro IV Pov's
Nagising ako na nandito na sa hospital. May sugat ako sa ulo at mga kamay. Naaninag ko sa aking harapan sina mama. May naririnig akong iyak. Iyakan ng aming mga anak.

" Ma, nasaan ang asawa ko? " Ang tangi kong usisa.

Ibinaling nalang nila ang titig sa kanan ko banda. Umagos ang mga luha ko sa aking nakita. Ang dami niyang sugat at mas malala pa kaysa sa akin.

" Si Malea? Nasaan siya? "

Wala silang tugon sa akin kundi hagulhol na siyang sumila ng pagwala ko.

" Ma, nasaan si Malea? Hindi maaari! Nasaan si Malea. Pupuntahan ko siya. " Pilit kong bangon ngunit wala akong maramdaman sa mga tuhod ko. A-Anong nangyayare?

" Anak, di makalakad sabi ng doktor. Si Malea, wala na siya pati si Thallia. Sumabog ang kotse anak. Wala na sila. " Mangiyak-ngiyak na pa alam ni mama sa akin.

Sa mga orasna iyon ay walang boses na narinig sa labi ko kundi pag agos ng luha sa aking mga mata.

" Ang pinakamamahal kong Malea. " Sambit ko bago lamunin ng kadiliman ang paningin ko.

Kinabukasan ay ibinurol na ang mga labi ng dalawang mumunting prinsesa na inilayan ng paggalang at pag aalala sa kanilang nagawang kabutihan na siyang naging idolo ng mga bata.

Ngunit mas masakit para sa isang ina ang ihated sa huling hantungan ang anak nila. Sa hindi inaasahan ay nawala sa sarili si Princess na dulot ng matinding pighati sa pagkawala ng pinakamamahal niyang anak.

Sa trahedyang nangyare ay mas lalong naging komplikado ang lahat. Nagluksa ang marami at ipinaghiganti ang mga tagapagmana nila. Lahat ng mga taong kasangkot ay hinatulan ng kamatayan.

Si Athena naman ay hindi alam kung saan tutungo kaya't napagdesesyunan niyang umalis muli sa Mansiyon ng walang nakakaalam.

At kahit subukin man ng panahon at mga pagsubok. Iisang ang kahinaan ng isang ina, yon ang kanilang mga supling.

~ ANG KATAPUSAN ~

The Knight, Gangs, and the Warrior Angels ( Book 3 - FSV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now