Chapter 23

22.1K 522 138
                                    

"Love,"

I called him nang makarating kami here sa condo. Nakasunod lang ako sa kaniya dahil hindi niya ako pinapansin mula kanina. Hindi siya nagsasalita at natatakot naman akong magsalita dahil baka mas lalo siyang magalit, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap.

"Love naman," I called him again pero pumasok lang siya sa kwarto at ngayon ay kumukuha ng damit. Nilapitan ko siya at niyakap ko siya sa likod niya. "Love, talk to me, please." I pleaded and rest my forehead on his back. I felt his sigh.

"Who's that?" he asked, finally!

"Makulit ko lang na classmate 'yon." humarap naman siya agad sa akin. Nilagay ko 'yung kamay ko sa baywang niya.

"Why is he pinching your cheeks?" I pursed my lips, trying to hold back my laugh. Ang lakas maka highschool ng pagseselos niya.

"Nakita mo naman na inalis ko kaagad, 'di ba?" I pouted.

"Hindi ko nakita."

"Then, I'm telling you now, inalis ko kaagad." I explained pero umalis lang siya sa pagkakahawak ko sa kaniya at pumunta na sa dining.

"Love, don't be jealous, please. Classmate ko lang 'yon." mukhang tangang sinusundan ko lang siya. Binuksan niya 'yung ref, probably naghahanap ng ulam na pwedeng iinit. When he saw the sinigang, kinuha niya 'yon at inilagay sa microwave. After that, sumandal siya sa counter top at pinagkrus ang braso.

"Love," I called him.

"What?" he looked at me dahil wala na siyang ginagawa. Wala na siyang excuse.

"Please," I pouted at him, pinagdikit ko pa 'yung dalawa kong kamay.

My eyes widened when he suddenly cupped my face and kissed me on my lips. His lips move kaya lalo akong nataranta.

"Love," I said in between our kisses.

"Hmm?" he asked without breaking the kiss.

"Love?" I asked him again.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

"I'm sorry for being jealous. I just miss you." he whispered.

Gosh!

Kinabahan ako!

-

"Lisa!" I called her. Nasa labas siya ng room.

"Hi, Calynn. Sabay raw siya sa atin mag lunch." she said pertaining to Gio.

"Ayaw, pinag-away kami niyan ng boyfriend ko!" I rolled my eyes at Gio.

"Hindi totoo, Lisa. Wala akong ginagawa. Nagulat na lang nga ako, ang sama ng tingin ng boyfriend niyan sa akin." he looked at me as if inapi ko siya!

"Alam niyo, pwede kayo." Lisa said.

"Yuck! Ew! Lisa, stop it!" I gave her a disgusting look.

"Lisa, may taste ako, 'no!" he said. Ang kapal!

"The audacity! Ano, lugi ka pa?" I raised my brow.

"Naman!" he shrugged. Gosh! So annoying.

Araw-araw niya kaming kinukulit na sumabay siya sa amin maglunch, araw-araw rin namang pumapayag si Lisa dahil ayaw na raw niya mastress.

Kapag uwi ko ng condo, the usual routine happens. Nakita ko naman na bumabalik na 'yung katawan ni Steve, he really lost his weight before.

"Hello, Lian!" I shouted when I entered her bake shop.

"Ang ingay!" she said.

"Oh, my gosh!" I wanted to jump when I saw Elly, Nat and Addie. Nakaupo sila sa isang upuan dito. "I miss you all!" I hugged them one by one.

We're Only Getting Older (Change Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon