Chapter 26

21.8K 509 93
                                    

"Ang sakit ng ulo ko!"

I said to myself when I woke up, hindi na maalala ang nangyari. I sat from the bed and massaged my head. Nagpalinga-linga ako at napansin kong nandito ako sa kwarto namin. Napatingin din ako sa damit ko, nakasuot ako ngayon ng damit ni Steve at...

Steve!

Saturday ngayon! May pasok siya at hindi ako nakapagprepare ng breakfast.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto kahit napakasakit ng ulo ko. Nang makalabas ako ay nakita ko si Steve na naghahain na ng noodles at nakabihis na rin siya.

"Kumusta paglalasing?" he looked at me before sitting on the chair.

"Why didn't you wake me up? I should prepare your breakfast." I said instead. Umupo ako sa tapat niya, pinaglagay ko na lang siya sa bowl ng noodles para naman hindi ako mafeel bad. Gusto kong inaasikaso siya at nag-eenjoy ako roon. Mas lalong ayokong may ibang gagawa nito para sa kaniya!

"What happened?" I massaged my head after ko siya lagyan ng tubig sa baso.

"Wala kang maalala?" he asked before sipping his coffee.

"All I can remember is just I'm dancing with some guy named Nathan and then umalis ako sa dance floor to find my necklace... oh, my gosh! Nahanap ko ba? Paano ako nakauwi?" dire-diretsong tanong ko. When I touched my neck, nakakabit na 'yung necklace ko.

"Am I just drunk? Hindi ba 'to nawala?" I looked at my necklace first before looking at him. He sighed deeply and shook his head. Ano bang maling ginawa ko?! "Oh, Gio! What happened? Siya ba ang nag-uwi sa akin?"

"Ako ang nag-uwi sa 'yo. Umiiyak ka pa kagabi." naiiling na sabi niya habang inaayos sa kutsara 'yung noodles niya.

"What? Me?! Umiiyak ako?" I asked in disbelief.

"Bakit hindi ka nagpaalam?" he looked at me. Agad nag-init 'yung ulo ko dahil naalala ko 'yung Architect niya.

"Wala na akong gana." I coldly said before standing up, pumunta na lang ako sa kwarto at humiga. I heard some footsteps kaya nagtalukbong ako.

"Calynn, kinakausap kita." he said in a monotone. Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil nakatalukbong pa rin ako ng comforter. Ang init pala!

"Calynn," patuloy na pagtawag niya at parang nakatayo lang siya.

"Love!" naramdaman kong umupo siya sa kama. Inalis ko 'yung comforter at umalis ng kwarto. Bumalik ako sa lamesa para uminom ng tubig. Ang sakit talaga ng ulo ko.

"Calynn!" pagtawag niya sa akin at sinundan ako. Siya pa ang may ganang magalit? Napairap na lang ako bago umupo ulit sa upuan, umupo siya tapat ko.

"Cal⎯"

"What?!" I cut him off, standing up.

"Bakit ka naglasing?" he asked calmly.

"Bakit ibang babae 'yung may hawak ng cellphone mo?" I glared at him.

"Si Cassy?"

"I don't care!" biglang sigaw ko at hinampas ko pa 'yung lamesa.

He sighed. "Look, hindi ko alam kung paano napunta sa kaniya 'yung phone, baka nakuha niya noong nasa office kami." mahinahong sabi niya.

"First name basis, huh." bulong ko at padabog na umupo ulit.

"Love naman," hinawakan niya 'yung kamay ko na nasa table, agad ko namang inalis 'yon.

"Pumasok ka na, baka malate ka pa." I said coldly. He sighed before standing up, kinuha niya 'yung bag niya sa couch at lumabas na ng condo.

I looked at our food, hindi pa siya nakakakain ay pinaalis ko na siya kaagad. I felt so guilty. I should've listen to him! Maybe dalhan ko na lang siya ng lunch para makabawi.

We're Only Getting Older (Change Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon