Chapter 29

21.1K 440 66
                                    

"Okay ka na ba?"

Lian handed me a glass of water when I calmed down a bit. I don't really know what to do. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pagod. Kahit si Steve... kahit 'yung lakas ko ay nagiging isa sa dahilan kung bakit lalo akong napapagod.

"Thank you." kinuha ko 'yung baso.

Umupo na siya ulit sa tabi ko. "Kapag ready ka na, sabihin mo sa akin. Nandito lang ako."

"Thank you again." I smiled sadly and just drank my water.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinampas 'yung lamesa. "Hindi ko mapigilang hindi mag-alala, ngayon lang kita nakitang umiyak nang ganiyan, Calynn!" she hysterically said.

"Lian," I called her.

Napatingin siya sa akin. "Ano? Sasabihin mo na ba?"

"Why am I staying?" I asked.

Umupo siya ulit sa tabi ko. "Huh?"

"It's draining me, our relationship. Inuubos ako."

Humarap siya sa akin. "Let me ask you,"

"Hmm?"

"Why did you enter that relationship?" she asked. "Yung totoo ha!" she added.

"Because... I love him?"

She held my hand. "Malay mo, kapag bumalik ka sa simula, malaman mo kung bakit ka pa nananatili." she seriously said.

"Enough na ba 'yung love para magmaintain ng isang relationship?" I'm tearing up again.

"Siyempre, hindi. Marami kang kailangan i-consider. Pamilya mo, sarili mo, marami. Hindi lang dapat bigay nang bigay Calynn. Mauubos ka talaga." she's caressing my hand gently.

"Pero, nagkukulang siya ngayon, kailangan kong punuan 'yon para sa 'ming dalawa."

"Hindi mo kayang punuan 'yung isang relasyon. Kaya nga 'yan relasyon, dalawa dapat kayo. Huwag mong sagarin 'yung sarili mo. Matuto ka rin magpahinga."

"Iiwan ko siya?" a tear fell from my eyes as I tightened my grip on the glass that I am holding, iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako.

"Kaya mo ba?"

"Hindi." I covered my mouth.

Inakbyan niya ako at isinandal sa kaniya. "E 'di magpahinga ka lang. You need to regain yourself first bago ka tuluyang sumabog." she said softly. "Ayusin mo 'yan, huwag kang gumaya sa akin." hinaplos niya ang balikat ko habang nakaakbay siya sa 'kin, she's holding my right hand that is resting on my lap.

I felt better. Atleast, Lian is here. Tumayo ako at nilapag 'yung baso sa lamesa. Nagpaalam na rin ako sa kaniya na uuwi na ako dahil baka magsasara na siya, anong oras na rin kasi.

"Hatid na kita sa labas." Lian offered nang pauwi na ako.

"Sige." I replied. Lumakad na kami palabas ng bakeshop niya, nang nandito na kami sa tapat ng kotse ko, kumunot 'yung noo niya.

"Ano 'yan?" she's pointing the scratch of my car.

"Huh? Ano 'yan... umh..." I stuttered.

"Calynn!"

"It's a..." I tried to avoid my gaze.

"Bella Calynn!" she shouted at me, nilayo ko pa 'yung tainga ko dahil sa sigaw niya.

"I'm receiving a death threats." I bowed my head and played with my fingers.

"Ano?!" she yelled. Napalingon tuloy ako sa kaniya.

We're Only Getting Older (Change Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon