Chapter 27

21.3K 468 169
                                    

"Happy 7th anniversary!"

Halos mabato ko sa kaniya 'yung unan dahil ginigising niya ako sa malakas niyang sigaw. Nakabihis na siya at parang ready na pumunta sa work habang ako, tambay lang dito sa bahay habang nag hihintay ng result ng BAR exam.

"What?" I asked habang kinukusot 'yung mata ko.

"Anong what? Bumangon ka na riyan, nagprepare ako ng breakfast!" he's standing beside our bed.

Nang lumabas ako ay may 7 yellow balloons na naka nakatali sa upuan ng dining table namin. Lumapit ako at may nakita akong yellow bouquet of tulips sa ibabaw ng table. Tulips... that's my favorite flower. May pancake rin at may 7 na candle na nakasindi na sa tapat nila.

"Paano ka nakapagprepare nang ganito kaaga?" I asked him while he's sitting on the chair.

"Secret," he replied. I rolled my eyes at him and just settled myself in my chair.

"Ang ganda ng presentation mo tapos pancake lang 'yung pagkain natin?" I chuckled.

"7 pancakes naman 'yan! Ubusin mo 'yan, ah." he pointed the pancakes.

I took a picture of it first and we also took a selfie. Nang matapos na kami kumain ay tumayo na si Steve at nagtoothbrush na. Paglabas niya ng CR ay naghihintay na ako sa kaniya at nakasandal ako sa pader.

"Alis na ako," he went near me and gave me a soft kiss before leaving our condo.

Pagkaalis ni Steve ay nagligpit na ako ng pinagkainan namin. After that, kinuha ko 'yung phone ko sa dining table at umupo muna sa upuan dito para ma-upload ko 'yung picture namin ni Steve.

'7 years strong.'

Pero siyempre? Kailan ba mawawala ang reply ng mga kaibigan ko?

nateunicev: Grabe na 'yung 7 years.

blianab: pakasal na kayo oy

addieharley: Ayoko ng ganiyan, nabibitter na naman ako!

ellesquivel: Sana all 7 years naI laughed at them. They're so cute.

-

'Yung akala kong kaba ay may iti-triple pa pala. It's may at ngayon yung inannounce ng supreme court na date ng result ng BAR exam.

"Ayoko, love!" I said to Steve while I am walking palabas sa kwarto namin. Inaaya niya akong pumunta sa supreme court para hintayin 'yung result. Ayoko nga! Paano kapag hindi ako pumasa? Nakakahiya lang.

"Sige, sa iba na lang tayo pupunta. Date kita." he's following me. Tinignan ko siya nang masama pero ngumiti lang siya. "Please, miss na kita." he added. My heart melts kaya napapayag din niya ako. 'Wag lang talaga niya akong madala-dala sa supreme court dahil babatukan ko siya.

"Saan mo ako dadalhin?" natataranta kong tanong while we're here in the car. "Love, tatalon ako!" I exaggeratedly said dahil nakikitang kong daan 'to papuntang supreme court.

He held my hand. "Without a doubt, I pin my faith in you." he said to me my words noong time na siya 'yung magt'take ng board exam. This man! Binabalik pa sa akin.

"Ayokong lumabas," I pouted nang makita kong nasa tapat kami ng supreme court!

"Let's go na, love." inoffer niya 'yung kamay niya, nasa labas na siya ngayon ng pinto ng passenger seat habang nakaupo pa rin ako.

"'Wag ka nang umarte riyan, halika na!" I almost jumped on my seat when I heard my bestfriend's voice.

"What are you doing here?" I asked her.

We're Only Getting Older (Change Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon