CHAPTER 11:

83 6 0
                                    

Authors Note:
Hi sa mga readers ng  Nerd Makeover.
Try ko mag-update paunti-unti.
And also try to check out my other stories you can find it by clicking my profile.

Story number 1
Tittle :  Wife's Revenge
Genre: Romantic / Drama

Story number 2
Tittle: Teenage Encounter
Genre: Suspense/Thriller

Also looking forward to know what you think about my story.
Comment down below mga hija.^^

----------------------------------------

ANDY POV.

Gabi na pero di pa din ako makatulog. Sobrang daming nangyari kahapon,di kinaya ng powers ko.

Magbabasa na nga lang ako ng lesson namin,di din naman ako makatulog kahit anung pilit ko.Mapuyat man ako may napasok pa din sa brainy ko.

After 2 hours pasado alas dose na.Gising na gising pa din ako,ay shutaaa daig ko pa nag-aadik neto mygod.

'Ano ba? magpatulog naman kayo!! May pasok pako bukas!!.'-
Napatiling sigaw ko sa sobrang inis.
Maya-maya pa nagsigaya nanaman tong mga epal naming kapitbahay.

'Itulog muna yan..'-
rinig ko ding sigaw ng kapitbahay namin matanda.
'Ang ingay mo nanaman Andy!!! sigaw
namang ng mga tambay na tomotoma sa harap ng bahay nila.
'Andy wala ka naman jowa matulog kana..'-sigaw nung mga anak ni Aling Mema.Naku kung di lang kami nakakautang sa inyo kukutusan ko talaga isa-isa tong mga kuliglig nato.

'Ang iingay nyo papabaranggay ko kayo!!!.'-sigaw din ng feeling yayamanin naming kapitbahay na si Tita Beybi porke may TV de palo naman para gumana.

'Sows,Ate Beybi kulang lang yan sa alak'.-
pang-aasar ni Tonyo isa sa nga tambay na alakero.. Pakaway kaway pa kay Tita Beybi.
'Oh? Alak ba kamo? may Gin dito,may Tanduay,may Shoktong'.-
galing talaga mang-sales talk ni aling mema,Napapailang na lang ako. Kailangan talaga sa lugar na to ang diskarte.

'Ayun oh? pautang nga kami Aling Mema'.-kanyaw ni Muling,tambay na naduduling paglasing. Laging pasimuno ng tawanan. Mukang siraulong basagulero pero matulungin sa mga kabaranggay.

'Ey naku mga wala naman pala kayong kwarta magsiuwi na kayo perwisyo nanaman kau,utang utang sows! Pabaranggay muna nga aré ate Beybi.'-tatawa tawang taboy ni Aling Mema kay Muling.
Pauutangin din naman sa bandang huli. Mag-iingay nanaman tong mga kutong lupa samin.

'Sus!Mema ,mema ka lang talaga! itulog mo nalang yan!Magsitulog na kayo mga istorbo!'.- pang-aasar ni TitaBeybi pero effective naman din ang pagiging sumbungera nya kaya sa wakas makakatulog na rin ako.

'Shailalim nyang phutingg ilawwwsh shaa dhilawws naa bwann .. 🎶🎶.'- ayan na nagsimula na sila jusko po..

Nerd Makeover                               (Motemayor Series 1)Where stories live. Discover now